Showbiz News

Lolit Solis, nag-react sa bagong relasyon ni Harlene Bautista

By Dianara Alegre

Ikinatuwa ni veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ang pagkakaroon ng bagong relasyon ng actress-producer na si Harlene Bautista sa longtime best friend nitong si Federico Moreno, na anak ng German Moreno.

Aniya, sa kabila ng mga pinagdaanan nila sa mga dati nilang karelasyon, natagpuan pa rin nila ang pagmamahal sa isa't isa na higit pa pala sa pagiging magkaibigan.

Source: Frederico Moreno (FB)

Nitong Martes, October 27, nag-post si Lolit ng litrato nina Harlene at Frederico kasama ang mensahe para sa mga ito.

“Alam mo Salve, 'pag talagang kapalaran mo kahit ano pa mangyari, du'n pa rin bagsak mo.

“Tingnan mo love story nina Harlene Bautista at Federico Moreno. All these years best friends sila at halos lumaki together under the wings of Kuya Germs.

“Nag-asawa sila sa ibang mga partners, friends pa rin, hanggang nagkaroon problema mga married life nila,” panimula niya.

Dagdag ng kolumnista, “Being BFF, lagi silang may communication, balita about their life and family, then later nang pareho nang free, heto, natagpuan nila ang pag-ibig for each other.

“So all those years of closeness as friends was their path to be together in the end. Doon pa nga nila na-feel na they are really meant for each other, after all the journeys in life na nagawa nila.”

Binati niya rin sina Harlene at Federico para sa bago at mas matibay nilang relasyon.

“God is really amazing, hindi agad binibigay, hinahayaan muna na matikman mo ang ilang pagsubok para mas ma-appreciate mo iyong gift Niya sa iyo.

“You will never enjoy the light 'pag hindi ka nagdaan sa dilim, now siguro, alam na nina Harlene at Federico how precious the love they have. Congrats, and stay happy forever,” aniya.

Noong October 2018 inanunsiyo nina Harlene at Romnick Sarmenta na hiwalay na sila matapos ang 19 na taon nilang pagsasama.

Sa kasalukuyan ay nakahanap na rin ng bagong pag-ibig si Romnick sa katauhan ng indie actress na si Barabara Ruaro.

Nitong October 11, masayang ibinalita ng dalawa na buntis si Barbara.