Showbiz News

Phytos Ramirez declares love for Cherry Lou

By Nherz Almo

Sa pamamagitan ng Instagram Story, inihayag ng The Lost Recipe actor na si Phytos Ramirez kanyang pagmamahal para kapwa aktres na si Cherry Lou.

Nitong Martes, February 2, pinost ng 25-year-old Kapuso actor ang quote na ito, "I date to marry. Not to date for one or three years and breakup. I'm willing to fight for anything to keep the relationship going."

Naka-tag sa naturang post ang 38-year-old niyang girlfriend na si Cherry Lou.

Tahimik lamang sina Phytos at Cherry Lou sa social media pagdating sa kanilang relasyon.

Kung sisilipin ang kani-kanilang Instagram account, may panaka-nakang post sila kasama ang isa't isa.

Unang nagpahiwatig si Cherry Lou tungkol sa kanyang bagong love life noong September 2020, kung kailan nag-post siya ng larawan na may kahawak-kamay sa loob ng kotse. Wala itong caption maliban sa hearts at monkey emojis.

December 1 2020 naman nang mag-post siya ng kanyang larawan hawak ang sunflowers na may dedication pang, "You are my sunshine [wink]."

Dito, naka-tag si Phytos at sa caption, sinabi ni Cherry Lou, "Thanks for being so sweet ..wow 🥰.this is such a sweet surprise ..its not even my birthday ..thank you...i knew that you spent effort to make sure i will feel better and to feel awesome . Thank you for showing and giving me everything I need to be happy...Thank you .I am so touched. Ikaw na ang pinakasweet na taong kilala ko..i am lucky .i love you."


Noong December 10, nag-post naman ang aktres ng collage ng mga larawan ni Phytos, na tila kuha habang naka-video call.

Sa caption, sinabi ni Cherry Lou, "Welcome back to the real world namiss kita Thanks for doing this every night 🥰

Thank you for deciding that i am the person that u put all ur effort and energy into. thank you for always giving everything u got into us ..i love you "

Nakalagay rin dito ang #15dayslockin #taping. Sumailalim si Phytos sa lock-in taping ng kinabibilangan niyang primetime teledrama sa GMA News TV, ang The Lost Recipe, noong November hanggang December 2020.




Bago matapos ang 2020, nagpahiwatig naman ng matamis na simula ng bagong taon si Cherry Lou sa mga larawan niya kasama si Phytos.

Aniya, "Another year is about to start and I am excited to be able to welcome it next to you. ️️️#tory"


Sa kabilang banda, ang tanging post ni Phytos tungkol sa girlfriend ay noong December 30, kung saan binati niya ang akres sa kanyang kaarawan.

Aniya, "[H]appy birthday crush! may your birthday be as special as you are special to me in every way @ms.cherrylou."


Unang nagkatrabaho sina Phytos at Cherry Lou sa teleseryeng Mara Clara noong 2010.

Bago ang relasyon nila ni Phytos, ikinasal si Cherry Lou sa nakababatang kapatid ni Carlos Agassi na si Michael Agassi noong 2007.

Nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama noong 2019. Mayroon silang tatlong anak.

Samantala, narito ang ilang pang celebrity couples na malaki ang agwat sa edad: