
Inalmahan ni Jennica Garcia ang mga pambabatikos sa kanila ng dating asawang si Alwyn Uytingco dahil sa mga larawang lumabas, kung saan kasama ng huli ang mga anak nila ng aktres.
"Para sa MARITES na may pa- Don't Us, Don't Us sa akin," panimulang sulat ng celebrity mom sa kanyang Facebook post noong Martes, July 20.
Marites ang popular na tawag ngayon sa internet para sa "tsismosa."
Sabi ng Las Hermanas actress, "I can just opt to just delete the comment and block this chismosa na feeling mas maalam pa sa nangyayari sakin sa personal kong buhay but I will just answer para tapos na dahil hindi naman ito ang magiging last time that this could happen at sa susunod di ko na kailangan sumagot pa ulit.
"My trip to Tanay won't be the only instance where people would see the father of my children and I in one place.
"I won't even be surprised to see pictures of us in Tanay on the internet once I post this because when we were there, there were people who asked me for a photo and then there were those who came up to Alwyn as well for pictures."
Matatandaang unang inamin ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn sa exclusive interview ng GMANetwork.com noong Mayo.
Nilinaw din ng aktres na bagamat hiwalay na sila ni Alwyn, patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang magulang sa kanilang mga anak na sina Mori, 6; at Alessi, 3.
Aniya, "For the one who left a comment that they saw Alwyn with us in Tanay. O TAPOS?
"Why did it come as a surprise that my children's father and I are together in a particular place with our children? Does that mean just because we are together then we are romantically linked?
"Hindi ba pwedeng we are thriving to coparent healthily for our children especially since I am also with my parents family at sadyang assuming ka?
"It was NOT an Uytingco Family trip. Dapat ba pag hiwalay sa asawa not in good terms?
"Hindi kami boyfriend and girlfriend na dahil hiwalay, cut all ties. We have children to think of hindi pwedeng sariling kapakanan lang iniisip."
Nabanggit din ng 31-year-old mom na hindi sa lahat ng pagkakataon ay alam ng publiko ang mga nangyayari sa buhay ng kagaya niyang artista.
Kwento ni Jennica, "By the way, my children's father is also with us during Mori's Birthday. Ngayon mo lang nalaman dahil sinabi ko diba. May friend ka sa area? Wala diba, kasi di naman invited "friend" mo sa bahay ng Papa Jigo ko.
"Di rin ako nag upload ng picture with my children's father kahit andun siya. Kasi bakit? Kailangan ba? Para saan? Para SAYO? Para updated ka ganon?
"So obligasyon ko na pag kasama ko tatay ng mga anak ko papaliwanag ako sa mga tao? Adjust na ako para sa mga anak ko tapos adjust din ako para sayo ganon? Special ka.
"Also, Alwyn is the one who took my kids during Alessi's Birthday naman to my Papa Jigo's house to celebrate because I can't be there for work.
"He is allowed to be with my children any time he wants and I simply requested (hindi demand) that he do not post about these things on social media to lessen the 'noise' and opinions of chismosas like you to which he respectfully agreed to."
Sa isa pang bahagi ng kanyang post, mariing ipinaalala ni Jennica sa mga "marites" sa social media na may pribadong buhay din ang mga artista,
Aniya, "I remember saying to those who asked for pictures: 'Ma'am sana po wag na upload kung pwede lang po mainit na kasi kami sa social media.'
"Nagpapaliwanag pa ko. Nakakapagod tapos ganito. Ending, pagmumukhain pa kong sinungaling.
"Ako na nahiyang tumanggi magpa picture, ako pa pagmumukhaing sinungaling.
"SA TRUE LANG TAYO, yung ASSUMING ka at MALISYOSA ka. Mas marunong ka pa dun sa taong nahiwalay sa asawa.
"I hope people would understand that the next time I am with my children and their father is around, I would answer, 'sorry po, I am not at work, hindi po ako comfortable that we take pictures.'
"Public figure ako oo pero hindi naman para bastusin niyo ko sa comments section ng sarili kong page wala naman akong atraso sainyo. Me being silent does not give you the right to make assumptions about my personal life.
"Purket tatahimik tahimik ako sa mga pasaring niyo inaabuso niyo ko."
Binigyang-diin din niya na kung sakaling magkabalikan sila ng kanyang asawa, "Manggagaling sa bibig ko hindi manggagaling sa bibig ng kaibigan mo, o sa bibig ng kahit na sino na wala naman alam tungkol sa personal na buhay ko."
Basahin ang kabuuan ang post ni Jennica dito:
Samantala, narito ang ilang pang ex-celebrity couples na nananatiling magkaibigan para sa kanilang anak: