Showbiz News

Kylie Padilla, nasa mabuting kalagayan matapos ang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

By Aedrianne Acar

Maaliwalas ang mukha ang panay ngiti ang aktres na si Kylie Padilla nang mapag-usapan ang lagay niya matapos ang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Matatandaan na nagulat ang marami nang kumpirmahin ng tatay ni Kylie na si action star Robin Padilla ang pagtatapos ng relasyon ng dalawa. Ikinasal sina Kylie at Aljur taong 2018.

Natatawang tugon ni Kylie sa panayam sa kanya ng 24 Oras tungkol sa mga nangyari, “Okay naman.

“Okay naman kasi, nakapaglipat na kami ng bahay, nakapag-adjust na kami sa kailangan gawin--sa kailangan mangyari.”

Binigyan-diin ng single mom na masayang-masaya siya at peace sa kabila ng malungkot na kinahantungan ng kanyang kasal sa dating asawa.

Wika ni Kylie, “I mean 'di ba, puwede naman sabihin na I'm happy just for the sake of it, but I'm really-really happy now, masaya talaga ako, especially after this project na sinasabi ko nga na naging therapy siya in a way to get through what I was going through.

“But now, I feel happier talaga and I'm at peace now than I was.”

Sa mga fans ni Kylie Padilla na miss na siya, sinabi niya sa panayam kay Lhar Santiago na game siya gumawa uli ng TV series, ngunit, aminado ito na magiging mahirap, dahil mawawalay siya sa mga anak na sina Alas at Axl.

Paliwanag niya, “Ready naman ako anytime, 'yung ano lang talaga 'yung lock-in taping nakakatakot, kasi magco-commit ka siyempre, medyo 'yung ibang lock-in din ang tatagal, e.

“So panibagong [challenge], isa-psyche ko 'yung sarili ko para malayo sa mga anak ko, ang hirap talaga. May anxiety ako malayo sa kanila.”

BetCin

Looking forward na din siya na makita ng lahat ang proyekto na pagsasamahan nila ng Legal Wives actress Andrea Torres--ang LGBTQIA+ project na BetCin ang first project nila ni Andrea together.

Pagbibida ni Kylie tungkol dito, “There were certain things na nung binasa ko, sabi ko 'naiintindihan ko siya'

“Bakit niya nagawa 'yung mga nagawa niya. She's just an imperfect person, but she loves fully.”

Heto ang ilan sa biggest showbiz breakups na nagdaang taon sa gallery below.