Showbiz News

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, 2018 pa plinanong magka-baby via surrogacy

By Marah Ruiz

As early as 2018, may baby plans na raw ang newly-engaged Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Ibinahagi nila ito at kung paano nila ito isinakatuparan sa bagong vlog na inilabas sa YouTube channel ni Jen.

"Noong 2018, ang plano naman ni Dennis ay magpa-freeze lang ng eggs, ng specimen. Noong mga time na 'yun, hindi pa rin ako handa talaga na mag-carry ng baby," pahayag ni Jennylyn sa kanyang vlog.

Mas pinili raw nila ang trabaho noong panahong iyon.

"Siyempre ayaw na ni Jen pagdaanan 'yung nine months na 'yun," paliwanag naman ni Dennis.

"Sayang naman 'yung mga oras, pwede pa rin akong magtrabaho," pagsang-ayon naman ni Jennylyn.

Dalawang beses daw nila itong sinubukan dito sa Pilipinas pero hindi naging matagumpay ang fertility treatments at pag-harvest ng eggs.

"Nag-iisip-isip na kami. Mayroon kaming mga kinausap na kaibigan. [Nag-suggest] sila na since hindi pa naman talaga legal 'yung surrogacy dito sa Pilipinas, mas magandang gawin siya sa ibang bansa," lahad ni Dennis.

Magkahiwalay na nagtungo sa Amerika sina Dennis at Jennylyn para simulan ang kanilang surrogacy plans.

Nauna si Dennis na lumipad patungong Dallas, Texas para magdeposito ng kanyang sperm. Nakabalik agad siya sa Pilipinas para sa second leg ng lock-in taping ng kanyang teleseryeng Legal Wives.

Habang nasa lock-in si Dennis, si Jennylyn naman ang lumipad patungong Las Vegas, Nevada para simulan ang fertility treatments niya.

"Si Kat and si Bianca, 'yung anak ng manager ko si tita Becky Aguila, sila 'yung talagang nag-alaga sa akin doon," pasasalamat ni Jennylyn sa mga kaibigan.

Suwerte pang isang registered nurse si Bianca kaya natutulungan niya si Jennylyn sa thrice a day injections na bahagi ng fertility treaments nito.

"Hindi siya 'yung parang bakuna na 'pag tinusok walang pain. Masakit siya habang pumapasok 'yung gamit kasi malapot siya. Kasi powder form siya tapos mini-mix siya sa water, medyo pure. Saka 'yung feeling na parang pinupunit 'yung laman mo. Si Bianca ay isang ER nurse so masuwerte din ako, mayroon nurse doon na nag-aalaga sa akin," kuwento ni Jen.

Sumunod naman si Dennis sa Las Vegas nang malaman niyang magkakaroon ng pangalawang lockdown sa Manila. Dito na rin nakapagpa-bakuna ang dalawa.

One month ang inilagi nila sa Las Vegas bago tumungo sa Dallas para ma-harvest ang eggs ni Jennylyn.

Tinulungan sila rito ng kaibigan at dating aktor na si Nar Cabico na naka-base na ngayon sa Texas.

Nurse din ang mister ni Nar na si VJ Capule kaya tinuruan naman nito si Dennis kung paano mag-injection.

"Takot na takot talaga 'ko sa mga injections. Ano pa kaya kung ako 'yung magtutusok, tapos si Jen pa tutusukan ko," pahayag ni Dennis.

Nakapag-harvest naman ng isang embryo at nakatakda na sanang i-implant ito sa surrogate na napili ng magkasintahan nang malaman nilang natural na nagbuntis si Jennylyn.

Panoorin ang buong fertility treatments at surrogacy plans nina Dennis at Jennylyn dito:

Sa susunod nilang vlog, ipapalam na nila ang magandang balita sa kanilang mga pamilya.

Silipin din kung paano nag-propose si Dennis kay Jennylyn sa gallery na ito: