GMA Logo divine tetay and boyfriend
Image Source: divinetetay (Instagram)
What's Hot

Divine Tetay marks 10 months with boyfriend

Published June 22, 2022 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos swears in Barcena as new NPC commissioner
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

divine tetay and boyfriend


'Thanks for giving a lot of love and understanding in our relationship,' mensahe ni Divine Tetay sa non-showbiz boyfriend na si Cris Jayson Hementera.

Ibinida ng komedyanteng si Divine Tetay ang kanyang non-boyfriend na Cris Jayson Hementera na sampung buwan na niyang karelasyon.

Sa Instagram post niya ngayong Miyerkues, June 22, nagbigay ng mensahe si Tetay sa nobyo, na kung tawagin niya ay CJ, sa kanilang 'monthsary.'

"Yo buddy @cjay202522 happy 10 months to us! Thanks for giving a lot of love and understanding in our relationship. Tsaka pasalamat tayo sa filter, kasi ang fresh natin dito.. haha! I love you so much babe!" mensahe ni Tetay kay CJ.

Kalakip ng monthsary greeting niya ang larawan nila kung saan makikitang magkahawak sila ng kamay.

A post shared by Divine Tetay (@divinetetay)

Ayon sa hiwalay na post ni Tetay noong kanilang nine month celebration, "it's just getting better and better" ang kanilang relasyon kaya wish niya na "sana 'wag [itong] maudlot."

Sa post, makikita ang mga regalong alahas na ibinigay ni CJ kay Tetay na lubos na nagpasaya sa proud LGBTQIA+ community member.

A post shared by Divine Tetay (@divinetetay)

Ang karelasyon ni Tetay ay isa nang ama at tanggap niya ang mga anak nito.

Noong June 19, binati pa ng komedyante ang boyfriend sa araw ng mga ama.

A post shared by Divine Tetay (@divinetetay)

Narito ang iba pang LGBT couples na nagpakilig sa marami: