Showbiz News

Vince Maristela and Roxie Smith walk hand in hand at 'The Sparkle Spell'

By Aimee Anoc

Maraming netizen ang kinikilig ngayon sa video na ibinahagi ni Hearts on Ice actress Roxie Smith kasama si Vince Maristela sa ginanap na 'The Sparkle Spell' noong Linggo, October 23, sa Xylo sa BGC, Taguig City.

Sa video, makikita sina Roxie at Vince na masayang naglalakad habang magkahawak ng kamay. Agad namang pinusuan ng aktor ang post na ito ng aktres sa Instagram.

A post shared by Roxie Smith (@roxieebae)

Kapwa dumalo sina Roxie at Vince sa kauna-unahang Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center kung saan nag-ala-Maddy ng Euphoria ang aktres at si Pete "Maverick" Mitchell ng Top Gun naman ang aktor.

Biro ng kapwa Sparkada member nilang si Tanya Ramos, "Kaya pala nawala." Natatawang sagot ni Roxie, "Bumalik naman hahahaha."

Kamakailan lamang nang pakiligin ni Roxie ang fans sa stolen photo ni Vince na ibinahagi niya sa Instagram, na may caption, "How did I get so lucky?"

Ayon sa aktres, maswerte siya dahil sabay silang ni-launch ni Vince sa Sparkada ng Sparkle GMA Artist Center. Aniya, "It's nice that we built that foundation of friendship and knowing that we're alongside each other seeing our dreams come true.

"Ang saya kasi ng feeling na sabay kaming ni-launch. So, I got his back and he has mine and it's nice to know I have somebody like that in the industry."

Samantala, kabilang si Roxie sa cast ng upcoming figure skating series ng GMA na Hearts on Ice.

TINGNAN ANG NAGANAP NA 'THE SPARKLE SPELL' DITO: