
Ready at excited na si Rhian Ramos para sa bagong adventures na dala ng taong 2025.
Sa pagpasok ng bagong taon, binalikan ng aktres kung gaano naging "rewarding" at "awarding" para sa kanya ang taong 2024.
"To the characters that have touched my soul and will hopefully touch yours. The wonderful and unique experiences I've had with my loved ones.
"[Two] shows, [six] movies, a shoot in my birthday suit, an epic cosplay, countless batches of cookies, and even a marathon! It's so exciting to know that no matter how many years go by, I can still have one full of firsts," pagbabalik tanaw ng aktres.
Ibinahagi rin ni Rhian ang ilan sa mga aabangan sa kanya ngayong 2025, kabilang na rito ang big role sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa pagpapatuloy ng iconic telefantasya na ito ng GMA, gagampanan ni Rhian ang Ice Queen na si Mitena, ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.
"So also, here's to another non-stop year on its way! This 2025, watch out for: Meg and Ryan, Perfect Children, Sinagtala, Unconditional, I Fell, It's Fine, Bās Bākes Chocolate Chip Cookies, Sang'gre, the Encantadia Chronicles. And who knows what else I'll come up with pa," dagdag niya.
Abangan si Rhian sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong 2025 sa GMA Prime.
Panoorin ang Sang'gre teaser sa video na ito: