GMA Logo Richard Gomez and Lucy Torres Gomez
Photo by: Ogie Diaz YT
Celebrity Life

Richard Gomez, nilinaw na walang anak sa iba

By Kristine Kang
Published August 21, 2024 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mahigit 9,800 Pilipino, umuwi sa bansa sa harap ng kaguluhan sa Middle East — DMW
A tangy twist on your favorite Bangus Sinigang | Farm To Table
Cebu town cautions of jellyfish bloom

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Gomez and Lucy Torres Gomez


Richard Gomez sa mga tukso, 'Ako na lang 'yung lumalayo'

Kilala bilang isa sa hottest Filipino hunks ng showbiz industry noong '80s ang kasalukuyang congressman ng 4th District ng Leyte na si Richard Gomez. Matuturing daw siya bilang Adonis ng industriya dahil sa kanyang kaguwapuhan at kakisigan.

Noong kaniyang kabataan, kilala ang dating aktor bilang isang playboy dahil madali raw niyang napapakilig ang fans at iba pang artista sa showbiz. Dahil dito, hindi naiwasan na maraming nagkagusto sa kaniya at nakipagrelasyon sa iba't ibang babae.

Dahil sa kanyang "playboy" image, marami rin ang may spekulasyon at nagtatanong kung may anak si Richard sa iba.

Sa kaniyang panayam kasama ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, nilinaw ng dating aktor na wala siyang illegitimate child. Biro pa nga nito, nag-imbentaryo pa siya para siguraduhin na wala siyang anak sa labas.

"Nag-imbentaryo din ako. Sabi ko, 'Baka may naiwan ako.' Siyempre 'di ba, hindi maiwasan na magustuhan din katawan ko. Baka napagbigyan ba. 'Teka tingnan ko baka may naanakan ako,'" biro ni Richard.

Kinlaro rin ng aktor na madalas hanggang holding hands at kiss lang siya sa mga naging nobya niya noon. Dagdag pa niya, siya na raw mismo ang umiiwas sa tukso, lalo na't may sarili na siyang pamilya.

"Ako na lang 'yung lumalayo," sabi niya. "Lumalapit na 'yung bigas sa manok, 'di ba? 'Pag lumapit na 'yung bigas sa manok, 'yung manok na 'yung lumalayo."

Mahigit 26 na taon nang kasal si Richard sa dating aktres at Ormoc City Mayor na si Lucy Torres-Gomez. Siya rin ay isang proud na ama ng kanilang anak na si Juliana Ma. Beatrice T. Gomez.

Sa kanilang panayam, naikuwento ng dalawa na ang susi ng kanilang matibay at matamis na relasyon ay magkaroon ng tamang komunikasyon sa isa't isa. Inamin din ni Richard na nagbago ang kaniyang ugali dahil sa kaniyang asawa.

Para naman kay Lucy, nasa tamang panahon kasi sila nagkakilala noon. Minsan naisip niya na baka hindi sila nagkatuluyan ni Richard kung nakilala niya ito noong kabataan nila.

"Even if I tried to look back, minsan tinatanong ko siya (si Richard), 'Honey, can you imagine yourself being married to anyone else? Ako, I can say I cannot. Lagi ko rin sinasabi, not to diminish in any way all he has loved before me, but you have to meet the right love at the right time. Kasi kung na-meet ko siguro siya nu'ng kasagsagan ng kabataan niya baka hindi rin kami nagkatuluyan," pahayag ni Lucy.

Panoorin ang kanilang panayam sa video na ito:

Samantala, balikan ang anniversary date nina Lucy Torres at Richard Gomez sa gallery na ito: