GMA Logo Ricky Davao para sa Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Ricky Davao, naging emosyonal nang balikan kung paano nag-out ang kaniyang anak sa kaniya

By Jimboy Napoles
Published September 27, 2023 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Ricky Davao para sa Fast Talk with Boy Abunda


Inamin ni Ricky Davao na natanggap niya agad ang pagiging lesbian ng anak dahil mahal niya ito.

Biglang naging emosyonal ang premyadong aktor at direktor na si Ricky Davao sa Fast Talk with Boy Abunda nang mapag-usapan kung paano nag-out sa kaniya bilang lesbian ang anak nila n Jackie Lou Blanco na si Rikki Mae.

Kuwento ni Ricky sa TV host na si Boy Abunda, ibang-iba ang naging paraan ng pagtatapat ni Rikki sa kaniya kumpara sa kung paano ito nag-out sa dati niyang asawa na si Jackie Lou.

Aniya, “Ibang-iba. I remember something happened in her school nabalitaan ko, nagalit ako.”

Habang nagkukuwento, dito na naging emosyonal si Ricky habang inaalala niya kung paano niya nalaman na lesbian ang anak.

Paglalahad niya, “Nag-aayos ako ng shoes, tapos nagalit ako, binato ko, hindi naman siya tinamaan, and then she cried.

“Then the following day, I got a long letter saying sorry, and then she admitted that she's different, that she's part of the LGBT [community] ganyan.”

Ayon kay Ricky, mabilis niya namang natanggap ang anak dahil mahal niya ito at nirerespeto niya kung ano ang nagpapaligaya rito.

“Of course, natanggap ko naman agad because I love her. I respect whatever makes her happy,” ani Ricky.

Matatandaan na ikinuwento rin noon ni Jackie Lou sa Fast Talk with Boy Abunda kung paano nagtapat sa kanya si Rikki.

KILALANIN SI RIKKI SA GALLERY NA ITO:

Kuwento noon ni Jackie Lou, “Sabi niya, 'Mama, I'm gay.' Sabi ko, 'I know.'”

Samantala, bagamat matagal nang hiwalay sina Ricky at Jackie Lou, maayos naman ang relasyon nila bilang co-parents sa kanilang tatlong anak na sina Kenneth, Rikki Mae, at Arabella.

Patuloy rin na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.