Jackie Lou Blanco gets real about regrets and motherhood

Halo-halong emosyon ang naramdaman sa heart-to-heart talk nina Jackie Lou Blanco at Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Dito ay napag-usapan nila ang kanilang mga pagsisisi sa buhay at kung paano binago ng “motherhood” ang buhay ni Jackie Lou.
Ayon sa batikang aktres, marami rin siyang pinagsisihan na mga pagkakamali niya noon, pero aminado siyang hindi na ito mababago at kailangan na lamang ituon ang pansin sa ngayon.
Itinuturing naman ni Jackie Lou bilang isa sa “great life blessing” ang kaniyang pagiging ina.
Balikan ang naging puso sa pusong usapan nina Boy at Jackie Lou sa gallery na ito.







