
Isa si Rita Avila sa mga tila nanghinayang sa pagkaka-evict ng Sparkle star na si Shuvee Etrata mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa latest post ni Rita sa social media, inilarawan at ipinagmalaki niya kung ano ang pagkakakilala niya kay Shuvee noong naging co-star niya ang huli sa GMA series na Hearts on Ice.
Related gallery: The stunning looks of island girl Shuvee Etrata
Ayon sa caption ng seasoned actress, “Nag-goodbye na si Shuvee sa PBB. Gusto naming lahat siya sa set ng Hearts on Ice.”
“Real siya. Fun. Respectful. Beautiful. Confident,” dagdag pa ni Rita.
Sa comments section ng post ni Rita, mababasa ang reaksyon ng iba pang netizens na supporters din ni Shuvee.
Nakilala ang Kapuso star sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Island Ate ng Cebu.
Ang Kapamilya housemate na si Klarisse De Guzman ang final duo ni Shuvee sa PBB.
Lumabas ng Bahay Ni Kuya ang ShuKla (Shuvee at Klarisse) nitong Sabado, June 14.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.