
Bukod sa pagiging isang kilalang singer at mahusay na aktres, nakikilala rin ngayon si Rita Daniela sa mundo ng TikTok.
Mula nang mahilig si Rita sa pagti-TikTok, madalas na siyang mag-upload ng iba't ibang content sa video sharing app.
Dahil maraming netizens ang naaaliw sa mga paandar ni Rita, ilang videos niya ang humahakot na ngayon ng milyon-milyong views.
Isa na rito ang entry ng Kapuso singer-actress para sa isang TikTok trend, habang suot ang isang strappy dress, na mayroon na ngayong 3.4 million views.
@missritadaniela #fyp #foryourpage #fypツ #ritadaniela ♬ original sound - 💋
Suot naman ang isang sexy floral crop top, mapapanood ang dance cover ni Rita para sa “Rim Bim Bam x Curiosidad x Bad” na nauso naman noong 2021.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 6.1 million views ang naturang video ni Rita.
@missritadaniela kamiss sumayaw💕 #fyp #foryourpage #ritadaniela ♬ Rim Bim Bam x Curiosidad x Bad - Kuya Magik
Hindi rin nagpahuli si Rita sa pag-upload ng kaniyang entry para sa "Age Challenge," kung saan unti-unting nakita ng netizens ang pagbabago sa mukha ni Rita habang dumadaan ang mga taon.
Sa kasalukuyan, ang video ni Rita para sa pinakabagong challenge na ito ay mayroon nang 7.4 million views.
@missritadaniela #AgeChallenge ♬ My Heart Will Go On (sound) - TikTok Effects ID
Bukod sa mga ito, ibang sexy dance videos ni Rita ang mapapanood din sa kaniyang TikTok account na mayroon nang 818,000 followers at 4.5 million likes.
Samantala, tingnan ang breathtaking photos ni Rita sa gallery na ito: