GMA Logo Robin Padilla
Celebrity Life

Robin Padilla, nakapagpatubo ng sariling gulay

By Marah Ruiz
Published July 7, 2020 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Robin Padilla


Nasira man ang ilan niyang tanim, nakapagpatubo pa rin si Robin Padilla ng ilang gulay.

Kabilang na si action star Robin Padilla sa mga nakapagpatubo ng sarili niyang gulay ngayong quarantine.

Matatandaang nagtayo ng isang makeshift greenhouse si Robin sa balkonahe ng kanyang tahanan.

Pinuno niya ito ng ilang mga halaman, kabilang na ang mga gulay.

Minsan na rin niyang ibinahagi na na-peste at nasira ang ilang niyang tanim. Pero dahil sa tulong ng ilang mga nag-comment sa kanyang Instagram, nagawa naman niyang isalba ang ilan dito.

Ngayon, ibinahagi ni Robin ang ilang mga halamang nagkaroon na ng bunga sa kanyang vegetable garden.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Binoe ng ilang litrato ng limes, okra, at sili na tanim niya.

"Bismillah. Ang buhay ay parang halaman. Pagkatapos ng unos ang kasunod ay pagsibol," sulat niya sa kanyang Instagram account.

Bismillah Ang buhay ay parang halaman Pagkatapos ng unos ang kasunod ay pagsibol

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Bukod sa pagtatanim, naging abala din si Robin at ang kanyang asawang si Mariel sa pagbe-bake ng sarili nilang tinapay.

Minsan nang ibinahagi ni Robin na nakailang ulit sila bago naperpekto ang kanilang homemade pandesal.

Kamakailan, nakagawa pa si Mariel ng nauusong ube cheese pandesal.