GMA Logo Rocco Nacino and Melissa Gohing
Photo by: gohingmelissa (IG)
What's Hot

Rocco Nacino and Melissa Gohing share preparation for first baby

By Aimee Anoc
Published May 10, 2022 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Noel Bazaar offers local products for Christmas gift shoppers
Pipila ka mga Vendors sa Pabuto, Namaligya Gihapon Duol sa mga Panimay | Balitang Bisdak
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino and Melissa Gohing


Noong May 6, masayang ibinalita nina Rocco Nacino at Melissa Gohing na magkakaroon na sila ng anak.

Naghahanda na ang first time parents na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa nalalapit na pagdating ni Baby N.

Ayon kina Rocco at Melissa, habang hinihintay nilang malaman ang kasarian ni Baby N ay may mga nakahanda na silang shopping list para sa mga gamit nito.

"May naka-ready na kaming listahan na gagawin, sa baby room--anong klaseng crib, anong kulay 'yung cabinets. Ito 'yung magiging project namin for the year, pag-set up ng baby room," kuwento ni Rocco.

Dagdag ng aktor, "It's gonna be a very busy year kasi ang focus this year is the preparation ng pagdating ni baby."

Bukod dito, naghahanap na rin daw sina Rocco at Melissa ng "magagandang classes" para sa first time parents tulad nila.

"Kahit na nurse ako I can't just rely on what I took. Gusto naming makakuha ng tips from experts, on what to expect kapag nariyan na si baby," sabi ni Rocco.

Dahil ito ang unang beses na magiging ina, aminado si Melissa na nakararamdam siya ng takot. Aniya, "A bit scared kasi first time, first baby namin ito. And very grateful. May time na kapag nakaupo kami, 'Would you believe na after a few months magiging maingay na 'yung bahay, may baby na tayo together.'

"Just grateful and excited kasi 'yung na-experience namin na hindi kami 'yung typical na mabilis makabuo so we had to go back and forth to the OB. Hindi ganoon kadali for us. For sure marami ring naka-experience na ganoon din sa amin so very grateful kami and blessed."

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa gallery na ito: