
Hindi na maitago ng mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing ang kanilang excitement sa pagsilang ng una nilang anak na si Baby N.
Sa katunayan, naganap na ang baby shower para kay Melissa na dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan nila ni Rocco.
Sa Instagram, ibinahagi ni Rocco ang ilang larawan na kuha mula sa baby shower kung saan makikita ang saya sa mukha nilang dalawa ni Melissa.
Sulat ni Rocco sa caption, "What a week for Baby N!! The Q team was finally gathered together once again to celebrate the coming of baby boy Nacino and we did part 1 of our baby shower."
"A night of heavy eating, conversations and bonding with the Gohings, Nacinos, and Q team!!
"Anak, you are loved by many! Everyone's excited to meet you!"
Nagsimula mag-date sina Rocco at Melissa noong 2017. Matapos ang tatlong taon, nagpakasal ang dalawa sa isang navy ship sa Pier 13 sa South Harbor sa Maynila.
TINGNAN ANG IBA PANG MGA LARAWAN SA BABY SHOWER NINA ROCCO AT MELISSA PARA KAY BABY N DITO: