What's Hot

Rocco Nacino, balik training sa martial arts para sa 'Hari ng Tondo'

By Marah Ruiz
Published June 5, 2026 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Waist-deep flooding hits parts of Cebu City
Fire razes up to 25 houses in Catbalogan, Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Magbabalik si Rocco Nacino sa martial arts training para sa upcoming series na 'Hari ng Tondo.'

Gaganap si Kapuso actor Rocco Nacino bilang kontrabida sa upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.

Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action-hero Ruru Madrid.

Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong lumaki at hinubog ng Tondo.

Isang taong kasapi sa sindikato ang karakter ni Rocco kaya naman pinaghahandaan na niya ang pisikal na aspeto ng kanyang role.

"Magiging active na ulit ako sa jiu-jitsu at may aaralin akong mga martial arts na specific na magagamit ng character ko dito," pahayag niya.

Matatandaang enthusiast si Rocco ng ilang martial arts.

Nakapag-compete na siya sa ilang Brazilian jiu-jitsu tournaments kung saan nakapag-uwi siya ng mga medalya.

Nakapag-debut na rin si Rocco sa larangan ng pro-wrestling.

Bukod dito, pinasok na rin niya ang pagiging promoter ng mixed martial arts kasama ang ilang kaibigan.

Tulad ni Rocco, naghahanda na rin si Ruru para sa physical demands ng Hari ng Tondo sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanyang training sa Filipino martial arts.

"'Yung panuntukan is dirty boxing so sabi ko, parang swak na swak sa Tondo. Ever since din, talagang todo ensayo hanggang sa kahit nasa Spain ako, takbo ako nang takbo," bahagi ni Ruru sa ibang panayam.

Ang panuntukan o dirty boxing ay isang uri ng martial art kung saan pinaghalo ang mga elemento ng tradisyunal na boxing, wrestling, at iba bang hand-to-hand combat.

Bukod sa mga kamao, ginagamit dito ang lahat available na bahagi ng katawan para depensahan ang sarili.

Bukod kina Rocco, Dennis, at Ruru, kabilang din sa cast ng Hari ng Tondo sina Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO:

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.