What's Hot

Rocco Nacino, baon ang lessons sa 'Stars on the Floor' sa bagong serye

By Marah Ruiz
Published June 5, 2026 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman shot dead while riding habal-habal in CDO
EXPLAINER: Who can hold office under the House version of anti-political dynasty bill?
GMA Network CMO Lizelle Maralag Named to Campaign Asia-Pacific's APAC Power List 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Baon ni Rocco Nacino sa upcoming series na 'Hari ng Tondo' ang mga natutunan sa mula sa 'Stars on the Floor.'

Tila warm up ang matinding physical demands ng programang Stars of the Floor para kay Rocco Nacino.

Dahil sa linggo-linggong sayawan sa nasabing original dance competition, nasa kundisyon na ang katawan ni Rocco para sumabak sa choreographed fights at stunts sa upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.

"'Yung mga skills na nakuha ko sa Stars on the Floor, parang gustong kong gamitin dito, medyo may pagka break dancer na eh," pahayag ni Rocco.

Gaganap siya sa serye bilang isang taong involved sa sindikato.

Bilang kontrabida, naghanap si Rocco ng akmang training para paghandaan ito.

"Magiging active na ulit ako sa jiu-jitsu at may aaralin akong mga martial arts na specific na magagamit ng character ko dito," pahayag niya.

Source: gmadrama



Iikot ang kuwento ng Hari ng Tondo sa mga taong hinubog ng Tondo.

Pagbibidahan nito ning Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid.

Ito ang unang pagkakataong magkakatrabaho sila sa television matapos ang matagumpay na team up nila sa award-winning film na Green Bones.

Bukod kina Rocco, Dennis, at Ruru, kabilang din sa star-studded cast ng Hari ng Tondo sina Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO:



Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.