GMA Logo Rochelle Pangilinan and Sparkle Teens
What's Hot

Rochelle Pangilinan, hands-on sa dance workshop kasama ang Sparkle Teens

By Kristine Kang
Published May 22, 2024 10:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan and Sparkle Teens


Ano pa kaya ang itinuro ni Rochelle Pangilinan maliban sa paggiling at iba pang dance techniques sa kaniyang dance class?

Sumayaw at sumunod ang mga Sparkle Teens sa tips at lessons ng OG Sexbomb leader na si Rochelle Pangilinan sa kanilang dance workshop kamakailan.

Todo kinig at focus ang mga bata lalo na't hands-on si Rochelle sa pagtuturo ng dance techniques at pagbi-build ng kanilang stamina.

Sa kanilang panayam kasama ang 24 Oras, ibinahagi ng ilang Sparkle stars ang kanilang natutunan at pasasalamat na nakasama sila sa dance class.

Para kay Mitzi Josh, "Nag-strengthen 'yung relationship namin and sobrang dami ko pong natutunan about sa performing and dancing."

Ayon naman kay John Clifford, "Masasabi ko, naging malakas talaga kami physically and 'yung stamina din namin."

Masaya si Rochelle na gawin ang dance workshop para ituro sa mga bagong henerasyon ang mga dance techniques at tips. Mahalaga rin kay Rochelle na ituro sa kanila ang disiplina at iba pang values sa pagsasayaw.

"Siyempre mas gusto ko mas gumaling pa sila and ang workshop naman talaga na gusto kong gawin for them magkaroon ng disiplina sa sayaw at respeto sa co-worker," pahayag ni Rochelle.

Dagdag din niya, "Bukod sa health ng mga bata, less social media and mahalin nila 'yung sayaw."

Bilang isang dancer at social media influencer, alam ni Rochelle ang pagkakaiba ng sayawan on stage at sa pag-record sa cellphone. Kaya naman nais niyang ituro rin ito sa mga Sparkle Teens.

Paliwanag niya, "Malaking difference kasi ng nagsasayaw sa phone lang kaysa nagsasayaw onstage. Kung paano nila masu-sustain 'yung haba ng isang sayaw. Seven, 10, 20 minutes na kung paano mo siya masu-sustain and then 'yung technique, lahat naituturo siya."

Related gallery: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever