
Mapapanood na ang unang bahagi ng virtual Christmas reunion ni Rochelle Pangilinan kasama ang SexBomb Girls at pati na rin ang kanilang dating manager na si Joy Cancio.
Throwback muna ang tema nang muling nagsama-sama ang SexBomb Girls sa isang video conference upang mag-perform ng kanilang mga awit, mag-reminisce tungkol sa kanilang pinagsamahan at para na rin maglaro online.
Sinayaw nila ang kanilang pinasikat na Christmas song na “Pikpiripikpik.” Ikinuwento nila ang kanilang pinakana-e-enjoy tungkol sa Kapaskuhan sa Pilipinas at ang kanilang personal journeys sa labas ng showbiz. Lalong lumabas din ang kanilang kakulitan nang maglaro sila ng charades.
Panoorin ang first part ng kanilang Christmas reunion dito:
ALSO WATCH:
Rochelle Pangilinan, sumasayaw ng SexBomb Girls Christmas song habang nagluluto
Rochelle Pangilinan at ibang SexBomb singers, kinanta ang theme song ng 'Daisy Siete'