GMA Logo Rochelle Pangilinan Sex Bomb Girls Joy Cancio
What's Hot

Rochelle Pangilinan, SexBomb Girls, Joy Cancio, tuloy ang Christmas reunion?

By Cherry Sun
Published September 18, 2020 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan Sex Bomb Girls Joy Cancio


Mga Kapuso, mukhang meron tayong dapat abangan mula kay Rochelle Pangilinan, SexBomb Girls at pati na sa dati nilang manager na si Joy Cancio!

Naganap ang isang video conference sa pagitan ni Rochelle Pangilinan, ng kanyang grupong SexBomb Girls at pati na rin ng kanilang dating manager na si Joy Cancio, at tila ito ang kanilang unang patikim sa kanilang gagawing Christmas reunion.

Ngayong may quarantine, napadalas ang virtual reunion ni Rochelle at ng SexBomb Girls. Maaalalang nagkumustahan sila noon sa pamamagitan ng isang video call kung saan inawit pa nila ang theme song ng Daisy Siete. Nag-online reunion din sa pamamagitan ng isang dance collab ang SexBomb Dancers.

Dahil napapadalas na rin ang kanilang pagkikita at pag-uusap online, binanggit ni Rochelle ang posibilidad ng isang Christmas reunion nang ma-interview siya sa Unang Hirit. Mukhang tuloy na tuloy naman ang planong ito dahil sa ibinahagi ng Kapuso star sa kanyang Instagram account.

Ipinakita ni Rochelle na muli niyang nakasama sa pamamagitan ng video conference sina Aira Bermudez, Mia Pangyarihan, iba pang SexBomb Girls at pati na si Joy.

Sulat niya sa kanyang caption, “No dull moments with SBG! Ang sayaaaa! Abangan! #Christmas.”

No dull moments with SBG! Ang sayaaaa! 😄Abangan! #Christmas

Isang post na ibinahagi ni Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) noong

ALSO WATCH: Rochelle Pangilinan, sumasayaw ng SexBomb Girls Christmas song habang nagluluto