GMA Logo Ron Angeles
Photo source: rnmrtnangls (IG)
What's Hot

Ron Angeles, naghahanap ng kasambahay; netizens, nag-react at nag-volunteer

By Karen Juliane Crucillo
Published April 25, 2026 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughter reassures love for mom with Alzheimer's after learning she's adopted
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon
Mister, sinurpresa ang misis na-lockdown sa Maynila | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ron Angeles


Marami ang nag-volunteer matapos ang latest post ni Ron Angeles na naghahanap siya ng kasambahay.

Kinaaliwan at pinag-usapan online ang latest post ni Sparkle artist Ron Angeles matapos niyang mag-post na naghahanap siya ng kasambahay.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya na naghahanap siya ng kasambahay na “marunong magluto, maglaba, malinis sa bahay, maingat sa gamit, maalaga, at hindi chismosa.”

Dagdag ng aktor, libre na rin ang matutuluyan at pagkain.

Sa comments section, biro pa ni Ron na wala nang ibang gagawin ang kasambahay kundi alagaan siya at bantayan ang bahay.

Sulat niya, “28-38 age range! Probinsyana much better, magaling sila sa bahay at madiskarte.”

Hindi naman napigilan ng netizens na mag-react at nag-volunteer pa para sa posisyong maging kasambahay ni Ron.

Kaya naman, sabi ng aktor, “SERYOSO AH HAHAHA, PURO KAYO KALOKOHAN!”

“Hirap basahin ng comments ang dami! Picture na lang, tapos mag-PM na lang ako sa inyo!!” dagdag niya.

Kamakailan, napanood si Ron bilang Bruce sa Apoy sa Dugo bilang isa sa mga lalaki ni Pinky Amador.

Abangan ang iba pang matitinding eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: New Sparkle hunks to watch for