
Upang mawala ang lumbay ng mag-teammates na sina Beau Belga, Ryan Araña, at James Yap, naisip ng talo na mag-post ng isang funny video sa Instagram.
Kasalukuyang nasa Pampanga sila para sa idadaos na bubble tournament ng Philippine Basketball Association (PBA).
Ipinasilip ng power forward na si Beau ang mini sari-sari store sa kuwarto nila ni Ryan.
Umani na ng mahigit sa 3,300 likes ang larawan ng sari-sari store ng dalawa.
Sa isa naman video na ipinost ni Ryan sa kanyang Instagram account, ipinakita niya ang una nilang customer na walang iba kundi ang teammate nilang si PBA Finals MVP James Yap.
May mahigit sa 18,800 views na ang video na ito as of writing.
Napamangha pa si Beau nang sabihin ni James na keep the change matapos ito bumili ng laundry detergent.
Magkano ba ang binayad ni James Yap? Panoorin sa video below.
LOOK: The hot daddy of Baby Thanos, PBA cager Ryan Araña
MUST-READ: James Yap's reaction to bashers on social media