GMA Logo Roxie Smith
What's on TV

Roxie Smith, nagsilbing 'therapy' ang figure skating matapos pumanaw ang ama

By Aimee Anoc
Published March 9, 2023 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Roxie Smith


Abangan si Roxie Smith bilang Monique sa 'Hearts On Ice' ngayong March 13 sa GMA Telebabad

Ilang linggo lamang matapos na makuha ang role sa figure skating series na Hearts On Ice, pumanaw ang ama ni Sparkle actress Roxie Smith.

Kuwento ni Roxie sa GMANetwork.com, malaki ang naitulong sa kanya ng Hearts On Ice dahil nagsilbing "therapy" niya ang figure skating matapos na mawala ang kanyang ama.

"A few weeks when I found out na nakuha ko 'yung role ko, my dad unfortunately passed away. Pero dahil nabigyan ako ng project na 'to, nabigyan ako ng bagong responsibility, and I enter training, masasabi ko na this became my therapy so napamahal na talaga ako with figure skating," pagbabahagi ni Roxie.

"I know my dad up there is proud na kaya ko pala mag-figure skate. Kasi he also used to skate kasi European so alam n'yang mag-skate, so sana proud s'ya," dagdag niya.

Roxie Smith

Simula sa pinaka-basic ng figure skating, nag-aral si Roxie sa loob ng ilang buwan bilang paghahanda sa gagampanan niyang karakter sa serye.

"Siyempre figure skating 'yun so madulas talaga. Minsan mahuhulog ka pero na-realize ko every time na nahuhulog ako tapos tumatayo ako, proud moment 'yun. And totoo 'yung 'You can really achieve anything you set your mind and heart too.' Dahil minahal ko 'yung sport, minamahal din ako pabalik," kuwento niya.

Para kay Roxie, isang malaking karangalan ang mapabilang sa cast ng Hearts On Ice, na unang serye niya sa GMA.

Makilala si Roxie bilang Monique, isang figure skater na laking Amerika. Sa pag-uwi sa Pilipinas, makikilala niya si Ponggay (Ashley Ortega) na kalaunan ay magiging best friend niya.

"Monique is very interesting, magkakaroon ng mga twists and turns in the middle so makikita n'yo kung ano ba talaga ang personality ni Monique," sabi ng aktres.

Pagbibidahan ang Hearts On Ice ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon ng Kapuso Network na sina Ashley Ortega at Xian Lim. Kasama ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin sina Kim Perez at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice, dito:

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: