
“Life is unfair.”
'Yan ang sagot ni Kapuso actress and comedian Rubi Rubi nang tanungin ni Mikee Quintos ang istorya sa likod ng kaniyang pagiging acting coach.
Naging bukas sa usapin ang komedyante tungkol sa kaniyang acting workshop na Ready, Act, Go sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama sina Mike Quintos at Chef Ylyt.
“Ang [workshop] ko kasi ay Ready, Act, Go by coach Rubi Rubi and parang 'yun 'yung misyon ko na gusto ko silang turuan, [...] gusto ko mag-share ng knowledge, [and] para mas mag-grow 'yung talent,” kuwento ni Rubi.
“'Yung talent n'yo, bakit n'yo gusto i-share?” tanong ni Mikee.
“Life is unfair. Totoo 'yan,” diretsahang sagot ni Rubi Rubi.
“Sa industry natin, mayroong sinuwerte, pero there are people na mas talented na walang suwerte. [...] Pero sabi ko lang sa kanila, 'tuloy n'yo lang na magpakahusay,'” dagdag nito.
Ngunit kahit na nakatuon ang aktres sa pamamahagi ng knowledge sa mga artista, aminado ito na may mga “ups and downs” ito sa industriya.
“May ups and downs. Parang [tatanungin] mo, gusto mo pa ba na mag-artista? O mayroon nang iba? Magda-divert ka sa ibang plano mo,” pag-amin ni Rubi Rubi. “Pero there will be signs. May mga signs na ibibigay sa'yo ang Panginoon na sasabihing 'diyan ka lang, binibigay ko 'to sa'yo kasi may purpose kung ka nandiyan.'”
Aniya ay isa raw sa mga signs niya ang upcoming GMA drama na Lolong na nagpatatag sa kaniya magpatuloy.
“Lolong is last year pa sa akin in-inquire at last year, inaano nila ako na 'Miss Rubi, kayo na po,' tapos natuloy ngayon! After [...], sabi ko [...] binibigyan ako ng sign ni Lord na 'sige, Rubi, mag-workshop ka ulit this January,'” kuwento ni Rubi.
Mapapanood na ang Lolong: Bayani ng Bayan ngayong Lunes, January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Samantala, panoorin naman ang Lutong Bahay, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m., sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG LOLONG: BAYANI NG BAYAN SA IBABA