GMA Logo rufa mae quinto on barbie
Source: rufamaequinto (Instagram)
What's Hot

Rufa Mae Quinto, bahagi raw ng international movie na 'Barbie'?

By Jimboy Napoles
Published April 28, 2022 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

rufa mae quinto on barbie


Agad na naging trending topic si Rufa Mae Quinto dahil sa pagkakasama ng pangalan niya sa cast ng live-action movie na 'Barbie,' na pagbibidahan ni Margot Robbie. Alamin buong detalye rito:

Big deal para sa maraming Pinoy fans ng Sparkle actress na si Rufa Mae Quinto ang balitang kabilang siya sa Hollywood movie na Barbie.

Mabilis na pinag-usapan online ang Twitter post ng Letterboxd, isang account para sa mga film enthusiasts, kung saan makikita sa kanilang inilabas na movie poster ang pangalan ni Rufa Mae sa cast ng live-action movie na Barbie, na pagbibidahan ng Hollywood artists na sina Margot Robbie at Ryan Gosling.

Excited na sana ang maraming tagahanga ng aktres, ngunit taliwas sa unang napabalita at usap-usapan, agad na nilinaw ng nasabing account na hindi totoong bahagi si Rufa Mae sa nasabing international film.

Pahayag ng Letterboxd sa Twitter, "**Correction: Rufa Mae Quinto is not in the cast of Barbie. This has now been fixed. Our data is crowd-sourced via TMDb -- occasionally there will be a few hiccups. Apologies for any confusion."

Dinaan na lang sa biro ang reaksiyon ng fans sa pagkakamaling ito.

Samantala, masaya naman ang fans ni Rufa sa kanyang pagbabalik-Kapuso at pagpirma ng management contract sa Sparkle GMA Artist Center kamakailan.

Sa isang interview, sinabi naman ni Rufa na excited na rin siyang gawin muli ang mga na-miss niyang gawin sa showbiz.

"Nag-host ako, nag-sitcom, nag-gag show, lahat na. Naging mermaid, naging Darna, nag-Marinara, nag-Bubble Gang, soap, lahat ginawa ko. So sabi ko, balik na lang ako ulit para ulitin ko ulit. Inulit lang pala," natatawang sinabi ni Rufa Mae.

Samantala, silipin ang balik-Kapuso moments ni Rufa sa gallery na ito.