GMA Logo Ruiz Gomez and Xian Lim
What's on TV

Ruiz Gomez talks about his first time working with Xian Lim

By Aimee Anoc
Published March 9, 2023 7:25 PM PHT
Updated April 22, 2023 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Ruiz Gomez and Xian Lim


Abangan si Ruiz Gomez bilang Oliver sa 'Hearts On Ice' ngayong March 13 sa GMA Telebabad.

Masaya at nagpapasalamat si Ruiz Gomez na nakatrabaho niya sa una niyang serye sa GMA ang multitalented actor na si Xian Lim.

Kabilang si Ruiz sa cast ng inaabangang figure skating series na Hearts On Ice, na pinagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.

Sa serye, makikilala si Ruiz bilang Oliver, isa sa matalik na kaibigan ni Enzo, na ginagampanan ni Xian.

Kuwento ni Ruiz sa GMANetwork.com, hanga siya sa kabaitan at pagiging "approachable" ni Xian sa trabaho.

"Sobrang gaan katrabaho ni Kuya Xian kasi tutulungan ka talaga niya. Since ito 'yung first teleserye ko tapos nu'ng first day namin siya talaga 'yung nag-approach sa akin para mas maging magaan 'yung trabaho namin pareho. And mabait siya, mabait ang lahat, actually," kuwento ng aktor.

Ibinahagi rin ni Ruiz ang isa sa hindi niya malilimutan sa set ng Hearts On Ice, kung saan nakaeksena niya ang seasoned actor na sina Tonton Gutierrez at Cheska Iñigo.

"May isang eksena po kasi roon na parang kinakabahan ako pero roon sa set po kinakabahan po talaga ako kasi sila po 'yung kaeksena ko nu'ng time na 'yun,” aniya.

"Napagalitan po ako ni Direk [Dominic Zapata]. Sabi niya po, 'Bakit ka kinakabahan?' Kasi ang role ko po is kakabahan tapos ang kaeksena ko pa ay nakakakaba, si Miss Cheska. Pero kapag wala na po sa set si Miss Cheska sobrang friendly niya."

Ayon kay Ruiz, hindi niya napigilang ma-"starstruck" nang makita niya sa unang pagkakataon ang mga beteranong aktor na napapanood niya lamang noon sa telebisyon.

"Nung first time ko silang ma-meet, nakaka-starstruck talaga kasi nu'ng bata ako sila 'yung pinapanood ko talaga tapos ngayon kasama ko na sina Kuya Tonton, si Miss Amy [Austria], si Miss Rita [Avila], si Sir. Lito [Pimentel], nakakatuwa lang."

Abangan si Ruiz Gomez bilang Oliver sa Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice, rito:

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: