GMA Logo Running Man Ph runners prepare for Korea taping
Source: gmarunningmanph/IG
What's on TV

'Running Man Ph' runners, intense ang paghahanda bago lumipad papuntang Korea

By Kristian Eric Javier
Published January 10, 2024 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Ph runners prepare for Korea taping


Naghahanda na ang runners para sa season 2 ng 'Running Man Ph'

Intense ang paghahanda na ginagawa ng mga runners na sina Glaiza De Castro, Mikael Daez, Angel Guardian, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales at Buboy Villar para sa nalalapit na season 2 ng Running Man Ph.

Dahil winter edition ang season 2 ng reality game show, biro ni Glaiza na ang unang challenge para sa kanilang lahat ay kung paano mageempake ng mga dadalhin nila sa Korea.

“Parang feeling ko,'yun 'yung unang mission namin, paano kami mag-iimpake for winter kasi makakapal 'yung mga jackets, tapos may layering,” sabi ni Glaizasa interview nila kay Audrey Carampel sa Chika Minute para sa 24 Oras.

Dagdag pa niya, “So tingnan nalang natin, kung sino 'yung may pinakamaraming dala, 'yun 'yung talo.”

Intense na rin ang paghahanda ni Mikael Daez at kahit umano ang asawa niyang si Megan Young ay pinagpapraktisan na rin niya.

“Ako may pinakamaraming talo nung season 1 e. Lahat, weights, push-ups every day, tapos si Bonez dinidikitan ko ng name tag pagkagising na pagkagising ko, pak! para mabilis,” pagbabahagi niya.

Ayon naman kay Lexi, maaaring paglapag pa lang nila sa airport ng South Korea ay may nakaabang na agad na challenge para sa kanila.

BALIKAN ANG NAGING GRAND FANFEST NG 'RUNNING MAN PHILIPPINES' SA GALLERY NA ITO:


Samantala, ready man i-defend ng First Ultimate Runner na si Angel ang kaniyang titulo, may komento si Buboy tungkol dito.

“Alam mo, kapag naging ultimate runner ka na, magpahinga ka na rin,” sabi niya.

Gaya ng nakaraang season, hindi pa rin mawawala ang guests at ayon pa kay Glaiza, “Baka ngayon mas marami pang guests siyempre from Kapuso and who knows, maybe from SBS naman ngayon.”

Hindi man makakasama ang kapwa nila runner mula sa season 1 na si Ruru Madrid dahil busy siya sa kanyang primetime series na Black Rider ay magkakaroon pa rin siya ng partisipasyon dito.

Biro pa ni Glaiza, “Feeling ko, magmomotor siya papuntang Korea this time.”

Nag-iwan naman ng maiksing mensahe si Ruru Madrid para sa kaniyang fellow runners, at sinabing mami-miss niya ang mga ito.

“Goodluck sa inyo para sa season 2 ng RMPH! Gusto ko lang sabihin sa inyo na sobrang mamimiss ko kayo!” post nito sa X (dating Twitter).

Nagbilin din si Ruru sa kanyang kapwa runners, "Galingan niyo lagi sa bawat Missions niyo at laging tatandaan na CHILL lang haha!"