
Tuloy-tuloy lang ang taping ng upcoming full action series ng GMA Public Affairs na Black Rider.
Challenging para kay Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid ang mga action scenes dahil napaka-intense ng mga ito.
Gaganap kasi siya sa serye bilang Elias, isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at makakaharap ng malaking sindikato.
Gayunpaman, mas madali raw para kay Ruru ang taping dahil sa mga co-stars niya rito.
Isa na riyan si celebrity host and actor Matteo Guidicelli na gaganap sa Black Rider bilang Paeng, isang pulis na magiging kasangga ni Elias sa paglaban sa mga masasamang loob.
Masaya raw si Ruru na agad silang nag-click kahit na unang beses nila itong magkatrabaho.
Image Source: rurumadrid8 (Instagram) / matteog (Instagram)
"Sobrang gaan lang na kasama ni Matteo. He's very nice, down to earth. He's very professional din sa trabaho niya so sobrang nakakatuwa po," lahad ni Ruru.
Ang Black Rider naman ang pagbabalik ni Matteo sa paggawa ng teleserye matapos niyang mag-concentrate muna sa hosting noon.
"[It's my comeback] after I think four years so it's nice to be back on the set. Siyempre [naninibago pa ako] but it's a very nice feeling to get back and [to be] working on the craft again," bahagi ni Matteo.
Abangan sina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:
Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.