GMA Logo Lolong leads
What's on TV

Ruru Madrid at Shaira Diaz, sumabak sa face-to-face training para sa action adventure series na 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published December 17, 2020 2:30 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong leads


Sumailalim na sa face-to-face training sina Ruru Madrid at Shaira Diaz bilang paghahanda sa upcoming action adventure series na 'Lolong.'

Tuloy tuloy ang paghahanda nina Kapuso stars Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa kanilang upcoming action adventure series na Lolong.

Matatandaang sumailalim na sila sa online or virtual training para sa kanilang action scenes para sa serye.

Ngayon, sumabak na rin ang dalawa sa in-person o face-to-face action training.

"Nakapag-train ako before pero kailangan mong i-refresh talaga. So, I think iyon po talaga 'yung mahirap. Even 'yung flexibility, mawawala po talaga 'yan. That's why kailangan pong i-workout namin," pahayag ni Ruru.

Sa serye, gaganap si Ruru bilang si Lolong, isang binatang may kakayanang makipag-usap sa isang misteryoso at higanteng buwaya.

Si Shaira naman daw, marami pang kailangan i-practice para ma-perfect ang kanyang action scenes.

"'Yung isa rin sa part na nahirapan ako 'yung mga sipa. Dahil hindi nga ako masyadong flexible, nahihirapan po 'yung legs ko na sumipa nang mataas, nawawala po sa balance," bahagi niya.

Gaganap si Shaira bilang assassin na si Ria na mapapadpad sa bayan nina Lolong.

Kasama rin nina Ruru at Shaira sa serye si Kapuso actress Arra San Agustin.

Samantala, ipinadiwang ni Ruru ang kanyang kaarawan noong December 4. Lubos daw siyang nagalak sa sopresa sa kanya ng kanyang pamilya.

"They told me na magpupunta lang po kami doon sa resthouse namin sa Antipolo, quality time lang with our family, ganoon lang. And then nagulat ako may mga cake. Kahit na ngayong mayroon pa ring mga social distancing, mafi-feel mo pa rin 'yung love nila. Mafi-feel mo pa rin na nandiyan sila para special day mo," kuwento ni Ruru.

Si Shaira naman, may Metro Manila Film Festival Movie na pinamagatang Coming Home.

Co-star niya dito ang real-life sweetheart na si EA Guzman, pati na sina former senator Jinggoy Estrada, Martin del Rosario, Julian Estrada, at Luis Hontiveros.

Naka-relate daw siya sa karakter niya dahil sa kuwento ng pelikula, kung saan iniwan sila ng kanilang ama at bumalik nang magkasakit ito.

Matatandaang sa simula pa lang ng kanyang career, naging open si Shaira na ibahagi na humiwalay sa kanilang pamilya ang kanyang ama at hindi na bumalik.

"Marami akong naging realization na family is family kahit may nagawa pa sa iyong masama 'yan. Kahit may pain na binigay sa iyo, at the end of the day, we're still family. Tatay mo pa rin siya," pahayag ni Shaira tungkol sa mga natutunan niya habang ginagawa ang pelikula.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.