GMA Logo Lolong and Dakila
What's on TV

Ruru Madrid at team ng 'Lolong,' may sorpresa para sa mga manonood ngayong gabi

By Marah Ruiz
Published August 15, 2022 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US Democrats will try, and try again, to rein in Trump's Iran war powers
Novena begins for Manaoag centennial coronation

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong and Dakila


May clue si Ruru Madrid para sa sorpresang inihanda niya at ng team na bumubuo ng 'Lolong.' Alamin kung ano ito rito.

Hindi pa tapos ang mg dambuhalang sorpresa ng top-rating action-adventure series na Lolong.

Matapos ang paglipad ni Kapuso Action-Drama Prince at series lead star Ruru Madrid sa himpapawid kasama ang mascot version ni Dakila, nag-bonding naman sila sa pamamagitan ng pagkain ng samgyupsal.

Dito, ibinahagi ng aktor ang isa pang dambuhalang sorpresa na inihanda niya at ng team na bumubuo ng Lolong.

"Mamayang gabi, mayroon pa kaming isang sorpresang inihanda sa inyo ni Daks. Kung ano 'yun, dapat ninyong abangan. Sandali, may gusto daw siyang ibulong sa akin. Ah oo nga pala! Lalong-lalo na po 'yung mga taga-Quezon City, naku mga Kapuso, mayroon na kayong clue ha. Dapat abangan niyo 'yan. Kita-kits tayo diyan," pahayag ni Ruru.

Ang surprise na ito ay bahagi pa rin ng pasasalamat nila sa mainit na pagtanggap at sa patuloy na suportang natatanggap ng kanilang programa.

Bukod diyan, hinikayat din ni Ruru na abangan ng mga manonood ang pagsisimula ng bagong yugto ng Lolong ngayong gabi, August 15.

"Kayo po, mga Kapuso, para mas maging masaya kayo, lagi po kayong manood ng Lolong lalong-lalo na po mamayang gabi dahil papapsok na po ang baong yugto sa aming kuwento. Kaya huwag na huwag niyo pong kakalimutan dahil pangako po namin sa inyo, mas kapanapanabik pa ang mga tagpo na mapapanod niyo sa Lolong, every 8:00 p.m. po 'yan after ng '24 Oras' sa GMA at 9:40 p.m. naman po sa GTV," pag-iimbita ni Ruru.

Sa kuwento, magbabalik na ang mga Atubaw sa Tumahan para maningil sa halos pagkaubos ng kanilang lahi.

Isang buhay rin ang manganganib, habang isang malaking desisyon naman ang nakasalalay kay Lolong.

Patuloy na tumutok sa bagong yugto ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.