GMA Logo Ruru Madrid, Dennis Trillo
Photo by: Clare Cabudil
What's Hot

Ruru Madrid, binigyan ng birthday surprise ng kanyang 'Green Bones' family

By Kristian Eric Javier
Published December 6, 2024 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP sees no threat in SONA 2026
Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week in Poland
Meet OPM band Tuwina

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid, Dennis Trillo


Extra special ang birthday celebration ni Ruru Madrid dahil sa kanyang 'Green Bones' family.

Extra special para kay primetime action hero Ruru Madrid ang kanyang kaarawan ngayong taon dahil bukod sa parte siya ng Metro Manila Film Fest entry na Green Bones, minanifest niya umano ang mapasama sa naturang pelikula.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng media conference para sa naturang MMFF entry kung saan ipinalabas ang full trailer ng pelikula. Dumalo ang buong cast na sina Ruru, Dennis Trillo, Alessandra de Rossi, Wendell Ramos, Michael de Mesa, Ronnie Lazaro, Royce Cabrera, Sienna Stevens, Sofia Pablo, Pauline Mendoza, at Iza Calzado.

Dahil nagdiwang ng kanyang kaarawan si Ruru nitong December 4, itinuturing ni Ruru na isang birthday gift ang mapasama sa naturang pelikula. Katunayan, may kakaibang paghahanda rin na ginawa ang aktor para sa pelikula.

“Very excited kasi sabi ko nga, ito 'yung first-ever MMFF project ko. Meron din akong ginawang process na naghanap ako ng kakaibang scent or pabango na para 'pag 'yun 'yung gamit kong pabango, andu'n na agad ako sa character,” sabi ng aktor sa panayam sa kanila ni Lhar Santiago para sa 24 Oras nitong Huwebes, December 5.

Ginawang mas espesyal ng kanyang Green Bones co-stars at production staff ang kanyang kaarawan nang sorpresahin nila si Ruru ng birthday cake.

Ang kanyang co-star na si Dennis Trillo, nagbigay naman ng kakaibang pagbati kay Ruru sa pamamagitan ng isang TikTok video.

Sa video, mapapanood si Dennis na nakabihis bilang ang Pulang Araw character niyang si Col. Yutah Saito. Ngunit ang dialogue o sounds na ginamit ng Kapuso Drama King, mula sa eksena ni Ruru sa Lolong.

Caption ni Dennis sa kanyang post, “Dahil kaarawan mo ngayon… Xavier, Black Rider, Lolong @Ruru Madrid #fyp #foryoupage #goodvibes #greenbones”

@dennistrilloph Dahil kaarawan mo ngayon… Xavier👮🏽‍♂️, Black Rider🏍️, Lolong 🐊 @Ruru Madrid #fyp #foryoupage #goodvibes #greenbones ♬ original sound - Ron Val Pa-a

Komento naman ni Ruru sa video, “WAAAAHHHH!!! Thank you Kuya Idol!”

TINGNAN ANG ILAN SA SET PHOTOS NG 'GREEN BONES' SA GALLERY NA ITO:

Bukod kay Ruru, puspusan rin ang naging paghahanda ni Dennis Trillo sa kanyang role sa Green Bones, at sinabing isa sa mga ginawa niyang paghahanda ay mag-aral ng panibagong lengguwahe.

“Du'n naman sa character ko as Domingo Zamora, siyempre 'yung look, kailangan talagang ibahin 'yung look. Siguro 'yung challenge din na kung sa Pulang Araw nakita niyo ko du'n na nagsasalita ng Japanese, dito naman meron akong ibang lengguwahe na kailangang pag-aralan,” sabi ni Dennis sa panayam nila kay Lhar Santiago.

Panoorin ang buong panayam nina Ruru at Dennis dito: