
Muling nagkasama kamakailan ang dating mag-on-screen partner na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa first episode ng Regal Studio Presents ngayong 2022 na "My Fairytale Hero."
Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago, nakapanayam niya si Ruru. Dito ay ibinahagi ng aktor na mas naging close daw sila ngayon ng aktres na si Kylie habang nasa taping ng nasabing episode ng Regal Studio Presents.
Aniya, "Grabe kuwentuhan agad kami na parang kahapon lang magkasama kami na tipong parang hindi kami nawalay sa isa't isa. So 'nung nag-taping kami magkasama kami all the time, ang dami naming napag-usapan."
Pagbabahagi pa ni Ruru, mas lumalim daw ang pagkakaibigan nila ngayon ni Kylie pagkatapos ng ilang taon na dumaan sa kanilang mga personal na buhay.
Kuwento niya, "Pinag-usapan nga namin ni Kylie, feeling ko kasi somehow dati naaapektuhan [ang pagkakaibigan namin] kasi meron kaming someone na parang kinakailangan naming dumistansya sa isa't isa ng konti para at least walang issue or hindi na maging big deal."
Sa katunayan, gumawa pa raw ng isang matapang na vlog sina Ruru at Kylie kung saan mas lumabas ang kanilang closeness at masayang bonding.
Nagkasama sina Ruru at Kylie sa fantasy series na Encantadia taong 2016 at sa romantic-comedy series na Toda One I Love taong 2019.
Sa ngayon ay nagbalik lock-in taping na si Ruru para sa kanyang pagbibidahang action series na Lolong. Aminado rin ang aktor sa mga buwis-buhay stunts na kanyang gagawin para sa nasabing serye.
"From dati na action na, this time buwis-buhay na talaga as in grabe 'yung action matindi talaga to the point na habang binabasa ko 'yung script iniisip ko kung paano ko siya gagawin kasi sobrang madugo, sobrang mabusisi. Pero sabi ko mas gusto ko 'yung na-cha-challenge 'yung sarili ko e," ani Ruru.
Kabilang din si Ruru sa ipinakilalang eight brightest stars for 2022 ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video na ito:
Samantala, silipin naman ang ilang sparkling highlights sa showbiz career ni Ruru sa gallery na ito: