GMA Logo Ruru Madrid for Bench
Celebrity Life

Ruru Madrid, may pasilip sa summer campaign ng isang sikat na clothing brand

By Marah Ruiz
Published February 6, 2024 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid for Bench


Ipinasilip ni Ruru Madrid ang kinabibilangan niyang taunang summer campaign ng isang sikat na local clothing brand.

Ready for the summer na si primetime action hero Ruru Madrid!

Sa isang post sa kaniyang Instagram account, ipinasilip ni Ruru ang ginawa niyang shoot para sa summer campaign ng Bench.

Matatandaang isa si Ruru sa mga brand ambassadors ng nasabing local clothing brand.

"Bench Summer Campaign 2024 behind the scenes," sulat ni Ruru sa caption ng serye ng mga litrato niya sa beach.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Samantala, namamayagpag ang ratings ng pinagbibidahan ni Ruru na full action series na Black Rider kung saan gumaganap siya bilang isang simpleng delivery rider na nagiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Pumasok na sa bagong yugto ang serye kaya mas maaksiyon na ang mga eksena at mas lumalalim pa ang kuwento nito.

Nitong February 5, nagtala ito ng 13.9 na combined ratings mula sa GMA-7 at GTV. Mas mataas ito kaysa sa naitalang 13.8 combined ratings na kasabay na programa mula sa tatlong magkakaibang channel.

Patuloy na panoorin si Ruru Madrid sa full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.