GMA Logo Ruru Madrid hospitalized
Photo by: rurumadrid8
What's on TV

Ruru Madrid, nasa ER matapos ang ilang araw na trangkaso at sore throat

By Aimee Anoc
Published January 14, 2024 11:36 AM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid hospitalized


Ikinuwento ni Ruru Madrdid ang pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng girlfriend na si Bianca Umali habang nasa emergency room.

Mula taping, kinailangang dumiretso sa hospital ng Black Rider actor na si Ruru Madrid matapos ang ilang araw na trangkaso, pananakit ng lalamunan, at hirap magsalita.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ruru ang larawan habang nasa ospital at naka-IV drip ang kaliwang kamay.

Kuwento ni Ruru, sinabihan siya ng kanyang doktor na kinakailangan niya ng maayos na pahinga para sa mabilis na paggaling, na ang ibig sabihin ay kinakailangan niya rin munang huminto sa trabaho.

"Nakakalungkot na sa araw na ito, mayroon po sana akong trabaho… pero hindi po ako pinayagan ng Doctors gawa ng baka lalo daw po lumala ang nararamdaman ko at mas marami pang commitments ang hindi mapuntahan," sulat ng aktor.

"I feel bad na kailangan po umabot sa ganitong sitwasyon at naapektuhan ang trabaho. Kanina when I checked my phone nakita ko ang isang post sa commitment ko today ng mga taong nag eexpect po na makita po ako… at parang dinudurog ang puso ko na hindi ako makakapunta.

"Gusto ko po humingi ng paumanhin… gusto ng isip at puso ko na makapagpasaya at mapunan ang trabahong naipangako, pero hindi na po kinakaya ng katawan. Kailangan pakinggan at unawain ang kalusugan," dagdag ni Ruru.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Nangako naman ang aktor na babawi siya at magpapagaling agad. Ibinahagi rin niya ang pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng girlfriend at Sang'gre actress na si Bianca Umali habang nasa emergency room.

"May isang tao nga pala ang nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa akin, hindi ko alam kung [nagsi-chills] ako dahil ba sa sakit o sa kilig. Pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R, nag-asikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat, at nagalaga sa akin.

"Mahal na mahal kita kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding-hindi ko pagpapalit kailanman," pasasalamat ni Ruru kay Bianca.

Kasalukuyang bumibida si Ruru sa primetime series na Black Rider kasama sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili.

Subaybayan si Ruru Madrid sa Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO:


--