
Kahanga hanga talaga ang friendship ng Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla.
Muling nagtambal ang dalawa sa bagong full action series na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru bilang delivery rider turned vigilante na si Elias Guerrero.
Gumanap naman si Kylie dito bilang asawa ni Elias na si Bernice.
Unang linggo pa lang ng serye, mabigat na kaagad ang mga eksena, lalo na pagpaslang sa pamilya ni Elias kung saan nakatanggap sina Ruru at Kylie ng maraming papuri.
"Lalo po kaming na-inspire to work harder at gumawa ng mga makabuluhang eksena para makapagbigay ng saya at inspirasyon para po sa inyong manonood," sulat ni Ruru sa Instagram bilang pasasalamat sa mga nanonood at nagpa-trend
Maikli man ang special participation ni Kylie sa serye, lubos pa rin ang pasasalamat ni Ruru sa kaibigan.
"Nais ko ring pasalamatan ang aking matalik na kaibigan Ms. @kylienicolepadilla sa napaka husay na pagganap sa karakter ni Bernice, walang ibang Bernice sa buhay ni Elias kundi ikaw kumander! Hanggang sa muli nating pagsasamahan na trabaho! Salamat ng marami sobra! Alam mo na yun," lahad ni Ruru.
Basahin ang kanyang buong mensahe dito:
Sa pangalawang linggo ng Black Rider, magbabalik na si Elias mula sa ilang buwan ng pagsasanay sa ilalim ni Mariano (Phillip Salvador).
Makikita niya sa 'di inaasahang pagkakataon si Jasper (Joem Bascon), ang isa sa mga taong pumatay sa kanyang pamilya.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.