GMA Logo Black Rider
What's on TV

Ruru Madrid, tinuruan ng breathing techniques ni Phillip Salvador

By Marah Ruiz
Published November 6, 2023 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Black Rider


Tinuruan ni Phillip Salvador ng breathing techniques si Ruru Madrid para sa 'Black Rider.'

Aarangkada na ngayong gabi, November 6, ang bagong full action series na Black Rider.

Bukod sa matitinding action scenes at bigating drama scenes, dapat ding abangan dito ang on-screen reunion ni primetime action hero Ruru Madrid at ng kanyang showbiz mentor na si veteran action star Phillip Salvador.

Sa isang behind-the-scenes video, ipinasilip ng programa ang pagsalubong ni Ruru kay Ipe nang dumating ito sa set ng Black Rider.

Makikitang nasa sasakayan pa lang si Phillip, binati na kaagad siya ni Ruru at ni series director Rommel Peneza.

"Oh anak, nandito na ako," panimula ni Phillip.

"Thank you, 'Tay. Kumain ka na, 'Tay?" sagot naman ni Ruru.

Nag-shoot ang dalawa ng eksena kung saan tinuturuang makipaglaban ng karakter ni Phillip na si Mariano ang karakter ni Ruru si Elias.

Sa pagitan ng kanilang mga eksena, nabigay pa si Ipe ng tips kay Ruru.

Tinuruan niya ito ng tamang paghinga para mas maganda ang kalabasan ng isang fight scene at para matulungan din siya sa mga mararamdamang sakit na hindi maiiwasan sa mga ganitong eksena.

"Breathe through your mouth. Again, I'm telling you, breathe through your mouth. Nandoon lahat 'yan, nandito lahat," bahagi ni Ipe.

"All the pain through breathing," dagdag pa ng beteranong aktor.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Minsan nang ibinahagi ni Ruru na lubos niyang ikagagalak ang reunion nila ni Phillip matapos unang magkakilala sa artista reality search na Protege.

Si Ipe ang nagsilbing mentor ni Ruru sa kumpetisyon kung saan nagtapos siya bilang isa sa runners-up.


Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Bukod kay Phillip Salvador, makakasama ni Ruru Madrid sa serye sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Yassi Pressman, Jon Lucas, Kylie Padilla, at marami pang iba.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED MEDIA CONFERENCE NG BLACK RIDER DITO:

Abangan ang world premiere ng full action series na Black Rider, November 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.