What's on TV

Sa pagbabalik ng isang hari, sisingaw ang lihim ng Golden Scorpion sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published February 21, 2024 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 12, 2026 [HD]
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Black Rider


Anong panibagong hamon ang dala ng mga karakter nina Yayo Aguila, Rita Avila, at Jestoni Alarcon? Abangan 'yan sa 'Black Rider.'

May bagong mga karakter na naman ang madadagdag sa full action series na Black Rider.

Ngayong kumpirmado nang anak nga si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) si Elias (Ruru Madrid), magkakaroon na ng kaagaw si Calvin (Jon Lucas) bilang tagapagmana ng Golden Scorpion.

Kukuwestiyunin din ni Calvin ang kanyang tunay na katauhan bilang anak ni Edgardo. Sa gitna ng lahat ng ito, may mga taong darating na magpapasingaw ng isang matinding lihim mula sa nakaraan.

Si Antonio (Jestoni Alarcon) ang nagbabalik na hari ng grupong Pulang Diablo. Kasama ang asawa niyang si Rosa (Rita Avila), may malaking bagay silang sisingilin mula kay Señor Edgardo.

Si Hilda (Yayo Aguila) naman ang susi sa tunay na katauhan ni Calvin.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.