What's on TV

Sandro Muhlach, hindi ginamit ang apelyido nang mag-audition sa Sparkle

By Jimboy Napoles
Published June 3, 2024 6:42 PM PHT
Updated July 31, 2024 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napolcom slams injury of 7 cops in Labor Day protests
Authorities probe death of 13 dogs in San Miguel, Iloilo
BINI and Thalia interact at Billboard Women in Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Sandro Muhlach Sparkle auditions


Sandro Muhlach sa pagpasok sa showbiz: “Gusto ko po 'yung thrill na I'm on my own.”

Proud na ikinuwento ng dating child star na si Niño Muhlach sa Fast Talk with Boy Abunda ang ginawang pagsisikap ng kaniyang panganay na anak na si Sandro Muhlach upang makapasok sa showbiz.

Sa episode ng nasabing programa ngayong Lunes, nakakuwentuhan ng batikang TV host na si Boy Abunda ang mag-aamang sina Niño, Sandro, at Alonzo Muhlach.

Kuwento ni Niño, sariling sikap ang ginawa ni Sandro upang maging artista. Sa katunayan, hindi nito ginamit ang pagiging Muhlach nang mag-audition siya sa Sparkle.

Aniya, “One thing I admire about Sandro, hindi ko siya tinulungan pumasok sa showbiz. Sabi ko, 'Kung gusto mong mag-artista, sige mag-artista ka, bahala ka, basta hindi ako tutulong sa'yo.' Pero nakita ko talaga na nag-audituion siya, he went through 'yung normal na kailangan niyang pagdaanan para mag-artista and nakuha siya ng Sparkle GMA Artist Center so 'yun proud ako sa kaniya ro'n.”

Ayon naman kay Sandro, bata pa lamang siya ay gusto niya nang maging proud sa kaniya ang kaniyang ama na si Niño.

“Bata pa lang ako 'yun na 'yung goal ko 'yung maging proud po sa akin ang papa ko. No'ng pagka-graduate mas nagkaroon ako ng fuel to make [him] proud, nag-artista ako, ginawa ko 'yung best ko sa lahat ng bagay,” ani Sandro.

Dagdag pa niya, mas gusto niyang simulan ang kaniyang career gamit ang kaniyang talento at hindi ang pagiging anak ng isang celebrity.

“Hindi po alam ng Sparkle. I think mas gusto ko po 'yung thrill na I'm on my own. Ayoko po gamitin na porket Muhlach ako parang nepotism na po agad, I don't want that. Gusto ko lang po on my own talent,” anang binatang aktor.


RELATED GALLERY: Meet new Kapuso artist Sandro Muhlach, Niño Muhlach's eldest son

Panoorin ang panayam nina Sandro at Alonzo Muhlach sa Fast Talk with Boy Abunda: