
Marami ang napasaya at nasorpresa ng Sang'gre actor na si Kelvin Miranda noong Miyerkules, February 14, sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Pagkatapos na magbigay kasiyahan sa TikToClock ay agad na dumiretso ang aktor sa pagbibigay sorpresa sa random na mga tao na nakasalubong at nakita niya sa paglilibot sa Timog, Quezon City.
Ilan sa napasaya ni Kelvin sa pagbibigay nito ng mga rosas ay mga nanay, manggagawa, guwardiya at pasahero sa tren, at mga estudyante.
Masaya si Kelvin na bukod sa kasiyahang naibigay niya sa mga tao ay nakakuha rin siya ng aral mula sa mga ito tungkol sa love.
"'Yung kahuli-hulihang nabigyan namin ng bulaklak, ang sabi n'ya about love is there's no exact definition. Kumbaga, kung masaya ka that's love. Ang ganda lang ng sagot n'ya, sobrang simple pero makaka-relate lahat ng tao," kuwento ng aktor.
Samantala, abala na ngayon ang aktor sa paghahanda para sa malaking role na gagampanan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA, mapapanood si Kelvin bilang Adamus, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig.
Abangan si Kelvin sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.
MAS KILALANIN SI KELVIN MIRANDA SA GALLERY NA ITO: