
May isang Encantadiks na masuwerteng nakuha ang atensyon ng Sang'gre actress na si Rhian Ramos sa kanyang "Mitena-inspired" makeup look transformation.
Ibinahagi mismo ni Rhian sa kanyang Facebook page ang Mitena makeup transformation ng fan na si Irene Ymbong, kung saan kuhang-kuha nito ang korona, buhok, at makeup ni Mitena.
Isa pang cute na cute na fan ang kinaaaliwan ngayon online dahil sa kanyang Indai Mitena photoshoot. Hindi lang Mitena-inspired look at costume ang ibinida ni Indai Eunice, maging ang kanyang DIY background na gawa mismo ng kanyang Mama Rochelle.
"She's so cute, I cannot," komento ni Rhian sa Facebook post na ito ng Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog.
Bukod dito, kinaaliwan din sa TikTok ang post ng fan na si sanggre_kierra na nag-ala Mitena sa kanyang makeup transformation at pag-arte.
@sanggre_kierra MITENA makeup trend ❄️ song from: @adamustunes #encantadiachronicles #sanggre #fyp #fyppppppppppppppppppppppp #foryou #trending #xybca #encantadia ♬ wait ni mitena Adamus Tunes - sanggre_kierra
Subaybayan si Rhian Ramos bilang Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: