
Sa pagguho ng Sapiro, panibagong digmaan ang haharapin ng mga Sang'gre dahil susunod na lulusubin ng hukbo ni Gargan (Tom Rodriguez) ang Hathoria!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, naghahanda na ang Hathoria at ang mga Sang'gre sa pagsalakay ni Gargan.
Hindi naman maiwasan ni Pirena (Glaiza De Castro) ang mag-alala lalo na kung higit na marami ang kalaban, na maaaring ikabagsak ng Hathoria. Sa kabila nito, nanindigan si Pirena na hindi babagsak ang Hathoria sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Magtagumpay kaya ang mga Sang'gre na maipagtanggol ang Hathoria mula kay Gargan?
Samantala, magtutungo si Hara Armea (Ysabel Ortega) sa kanyang kaharian na winasak na ni Gargan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Inside link:
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
RELATED CONTENT: Ysabel Ortega, ipinakita ang ilang behind-the-scenes sa set ng 'Sang'gre'