GMA Logo Fast Talk with Boy Abunda
Photo by: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

'Sang'gre' stars, emosyonal na nag-'thank you at sorry' sa isa't isa

By Aimee Anoc
Published May 3, 2026 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ivan Anisimov tops Tour of Luzon Stage 5; Shulchenko keeps overall lead in individual general classification
Celeste Cortesi launches a pocket-sized beauty essential
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown

Article Inside Page


Showbiz News

Fast Talk with Boy Abunda


Bianca Umali nagpasalamat kina Faith, Kelvin, at Angel: "Kayo ang nagpaalala sa akin na 'Bakit ako susuko kung mayroong tatlo na lumalaban... Thank you kasi sa gitna ng hirap, alam ko na hindi ako mag-isa."

Hindi napigilang maging emosyonal ng new gen Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali nang magpasalamat at humingi ng tawad sa isa't isa sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, May 1.

Sa kanyang mensahe, ipinarating ni Angel sa kanyang co-stars kung gaano siya nagpapasalamat na sama-sama nilang hinarap ang saya, hirap, at laban para sa kanilang serye.

"Thank you, guys, dahil hindi ko 'to magagawa kung wala kayo. Hindi ko alam kung paano magiging madali for me na i-portray si Deia without you guys. Sabay-sabay tayong sumaya, nahirapan, lumaban. Maraming salamat. Alam n'yo 'yan kung ilang beses na tayong gusto ng 'hindi ko na kaya.' Pero because of you guys, I'm still here, we're still here. Thank you.

"Siguro, sorry, if there are days na baka kailangan n'yo ako, kailangan n'yo ng extra support or encouragement, pero I admit na there are days na we are all so tired. We don't get to talk all the time. There are days din na sobrang taas nating lahat, pero there are days na parang nakakapagod. And I know, and I sense it na sometimes you guys need to talk, or talk about something in particular. And, I wanna say sorry if I am not aware. I'm sorry if I am not always there," naluluhang sabi ni Angel.

Inuna naman ni Kelvin ang paghingi ng tawad sa kanyang co-stars. Sabi niya, "Sorry, siguro, kasi ako 'yung tipo ng tao na gusto ko mag-sorry sa inyo nang personal. Kasi minsan hindi ako nagpa-function, I need something to listen... mahilig akong makinig sa music and baka nakakaistorbo ako sa kanila. Laging mataas 'yung energy ko, na hindi ko alam baka minsan nakaka-off na 'yun sa inyo. Sorry sa pagiging aligaga ko madalas.

"And, thank you sa pagsama n'yo sa akin kasi alam n'yo naman nu'ng simula pa lang na mahina 'yung loob ko and wala akong tiwala sa sarili ko, at kayo 'yung unang naniwala sa akin. Salamat sa pang-araw-araw. Sa lahat ng experience natin together. Marami akong natuklasan. Marami akong natutunan na babaunin ko. Salamat, lumaban tayo."

Hindi pa man nagsisimula sa kanyang mensahe, makikita na ang pagiging emosyonal ni Faith.

"Salamat sa inyo kasi sabi ko nga nu'ng una sobrang nalulunod talaga ako sa pressure at hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'yung Encantadia Chronicles: Sang'gre. But, because I knew that we were all going through the same thing, mas naging madali s'ya sa akin. Kasi I've always been independent sa buhay ko, pero dahil sa Sang'gre, I think 'yung tapang ng paghingi ng tulong, that's something I've gained from you guys. And 'yung tapang na I don't have to do everything all alone kasi grabe 'yung support system ko.

"And, sorry, if 'yung galit ni Flamarra nadadala ko minsan... kasi, wala nakakainis lang din kayo minsan, 'di ba? Pero, ganoon naman siguro 'yung friendship, 'di ba? These things can co-exist. And, salamat dahil sa tatlong taon ng buhay ko, ginawa n'yong makulay ang mga araw ko. Maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo."

Hindi naman naiwasan ni Bianca na makaramdam ng kaba sa pagbibigay ng mensahe sa mga kapwa niya Sang'gre.

"Angel, Kelvin, and Faith, I'm sorry. Gusto ko mag-sorry kasi alam ko na most of my time, nakatuon ako sa pagpapaganda ng proyekto natin. Hindi naging madali lahat, pero gusto ko na malaman ninyo na ginawa ko rin ang lahat, hindi lang para ipaglaban ang sarili ko, kundi ipaglaban din kayo. Tayong apat," naluluhang sabi ni Bianca. "Hindi man 'yon 'yung araw-araw nating nararamdaman dahil sa pagod, dahil may mga araw na watak-watak tayo, pero nasa ating apat 'yung puso at layunin ko para sa project na 'to.

"At gusto kong magpasalamat sa inyo. Kayo ang nagpaalala sa akin na 'Bakit ako susuko kung mayroong tatlo na lumalaban. Pinakita n'yo sa akin na kahit anong mangyari, walang mawawala sa 'yo kung maging honest ka na ibigay mo ang lahat ng kaya mo. At thank you kasi sa gitna ng hirap, alam ko na hindi ako mag-isa. Kaya rin siguro ang sarap ng pakiramdam nung last taping natin kasi it's been a while din since 'yung huling beses na nagte-taping tayo na ang gaan lang, na mahangin lang, na masaya lang. Kahit mainit, pero 'yung alam mong, 'Heto kaming apat.' Thank you, Lord. At mahal ko kayo."

Huwag palampasin ang epic finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Samantala, tingnan ang mga naganap sa finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa gallery na ito: