GMA Logo Sanya Lopez, Gabby Concepcion
Courtesy: GMA, First Yaya
What's on TV

Sanya Lopez and Gabby Concepcion's chemistry delights 'First Yaya' viewers

By EJ Chua
Published July 18, 2026 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Talacogon LGU marks 40th day since Rene Baterbonia's passing
Local healthtech company brings free lab tests nationwide
DepEd probes mauling inside classroom in Bacolod school

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez, Gabby Concepcion


Taas-kamay ng mga kinikilig din kina Yaya Melody at President Glenn sa 'First Yaya!'

Kilig na kilig ang viewers ng First Yaya sa dalawang main characters sa serye na sina Yaya Melody at President Glenn.

Ang gumaganap na Yaya Melody at President Glenn ay sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Sa mga naunang episodes nito, nasaksihan ang 'getting to know each other stage' moments ng dalawa, kabilang na ang pagdayo ni Glenn sa lugar ni Melody.

Napa-react ang viewers sa haba ng hair ni pretty yaya dahil mismong si former Vice President Glenn pa ang sumundo sa kanya.

Bukod dito, kinakiligan din ang pangangamusta ni Glenn kay Yaya Melody matapos na makipag-bonding ang huli sa mga anak ng una.

Talaga namang all-out na good vibes, kulitan, at kilig ang hatid ng tambalan nina Sanya at Gabby bilang sina Yaya Melody at President Glenn.

Patuloy na subaybayan ang love story ng pretty yaya at ng poging politician.

Mapapanood ang First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. naman sa GTV.

KILALANIN: Sanya Lopez, Gabby Concepcion, at iba pang bida ng 'First Yaya'