GMA Logo Sanya Lopez and Kakai Bautista
What's on TV

Sanya Lopez at Kakai Bautista, sasalang sa 'The Wall Philippines' ngayong Linggo!

By Jimboy Napoles
Published September 17, 2022 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and Kakai Bautista


Manaig kaya ang powers nina 'First Lady' Sanya Lopez at Kakai Bautista sa The Wall Philippines? Abangan ngayong Linggo.

Exciting ang episode ng The Wall Philippines ngayong Linggo, September 18, dahil maglalaro ang magkaibigan at dating First Lady stars na sina Sanya Lopez at Kakai Bautista.

Sa teaser ng ikaapat na episode ng game show, mapapanood ang intense na paglalaro ng dalawang aktres kasama ang TV host na si Billy Crawford. Si Kakai ang napiling sumalang sa isolation room kung saan sasagot siya ng iba't ibang mind blowing questions habang si Sanya naman ang maiiwan sa stage upang magkasa ng bola patungo sa wall.

Mapapanood sa teaser ang pag-iyak ni Sanya dahil sa kagustuhan na makatulong sa kanilang napiling beneficiary sakaling makapag-uwi ng milyon-milyong piso mula sa game show.

Samantala, panalo naman ang naging pilot episode ng nasabing game show kung saan buena manong sumalang ang rumored reel-to-real couple at What We Could Be stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na nag-uwi pa ng halos P2 milyon mula sa kanilang paglalaro.

Panoorin ang The Wall Philippines kasama si Billy tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG NABUONG SAMAHAN NG FIRST LADY STARS KASAMA SINA SANYA LOPEZ AT KAKAI BAUTISTA DITO: