GMA Logo Marlyn Roberto, Sanya Lopez
What's Hot

Sanya Lopez, ipinagdiwang ang kaarawan ng inang si Marlyn Roberto

By Aimee Anoc
Published July 15, 2021 9:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marlyn Roberto, Sanya Lopez


Happy Birthday Nanay Marlyn Roberto!

Kasama ang buong pamilya, ipinagdiwang ni First Yaya star Sanya Lopez ang kaarawan ng inang si Marlyn Roberto kahapon, July 13, sa isang restaurant.

Sa ibinahaging larawan sa Instagram, masayang nagpakuha ng litrato si Sanya at ang ina nito habang hawak-hawak ang kanilang wine glasses.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Dalawang taon pa lamang si Sanya nang pumanaw ang kanyang ama na si Ramil Roberto dahil sa heart attack kaya naman tanging ang ina na lamang nito ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya at sa kapatid na si Jak Roberto. Espesyal para kay Sanya ang ina dahil ito ang tumayong ama at ina ng kanilang pamilya.

"My mom is special because she's our provider when our dad passed away when we were young at ngayon time naman namin to give back to her what she deserves. She gives me advice in everything pero ako pa rin ang pinagde-decide niya on what to do with my life and that's how she helps me capture the real me," sulat ni Sanya sa kanyang Facebook page noong Mother's Day, 2018.

Proud din ang aktres sa kanyang ina dahil gaano man kahirap ang pinagdaanan nila sa buhay ay hindi ito sumuko sa kanila.

"'Yung mga bagay na hindi s'ya sumuko kahit gaano kahirap ang pinagdaanan n'ya sa buhay, 'yun ang maipagmamalaki ko," pagbabahagi ng aktres sa 'My Nanay, My Hero' noong May 2021.Nagpaabot din ng pagbati para sa ina ang ilan sa mga kaibigang artista ni Sanya na sina Barbie Forteza, Ken Chan at Kakai Bautista.

Samantala, nakumpleto na ni Sanya noong July 12 ang second dose ng kanyang COVID-19 vaccine kasama ang kaibigang si Kakai Bautista.