GMA Logo sanya lopez on pulang araw
What's on TV

Sanya Lopez, matinding paghahanda ang ginawa para sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published July 3, 2024 10:44 AM PHT
Updated July 3, 2024 2:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez on pulang araw


Sanya Lopez sa kaniyang karakter sa 'Pulang Araw:' "Ang dami niyang sinasakripisyo dito."

Matindi ang naging paghahanda ng Kapuso actress na si Sanya Lopez para sa kaniyang karakter sa

Kuwento ni Sanya sa GMANetwork.com, ibang-iba ang kaniyang gagampanang role dito kumpara sa kaniyang mga naunang karakter gaya nina Danaya sa Encantadia, Melody Acosta sa First Yaya at First Lady, at Hara Urduja sa Mga Lihim ni Urduja.

Sa Pulang Araw, bibigyang buhay ni Sanya ang karakter ni Teresita Borromeo, isang tanyag na Vaudeville star mula sa isang mayamang pamilya noong 1940s. Pero kalaunan ay mapipilitan siyang maging isang comfort woman nang dumating ang mga Hapones sa Pilipinas.

Patikim ng aktres sa kaniyang karakter, “Ako, pinakagusto ko talaga sa character ko dito, siya 'yung pinakanagsasakripisyo. Pakiramdam ko siya 'yung ang daming sakripisyo pagdating sa pagmamahal sa pamilya, sa kapatid, pagmamahal sa nobyo, pagmamahal pagdating niya sa talento niya, pagmamahal sa ama.

“Ang dami niyang sinasakripisyo dito. Kaya 'yon 'yung isa mga nagustuhan ko, parang siya 'yung laging willing na, 'Ako na lang. Okay lang basta okay kayo.' Ganon.”

Dagdag pa niya, “Kasi ako, palaban lang ako lagi, e, lagi akong mas ma-action. Dito, hindi. Mas mahinhin ako, nag-i-English ako, very prim and proper, so hindi siya masyadong mabilis sa akin. Mas mahirap pa 'to dahil may mga tap dance, so kung inaakala niyo na mabilis siya, napakahirap niya. So, feeling ko, 'yon 'yung pinaka challenging sa role na 'to.”

Ayon pa kay Sanya, marami siyang ginawang paghahanda para sa kaniyang role bilang si Teresita.

“Before kami mag-start, nanood ako ng Pearl Harbor. Feeling ko makakatulong 'to sa character ko and nanood rin ako ng mga tap dance, 'yung mga basic sa YouTube, para lang kahit papa'no kapag tinuro na sa amin medyo may alam na kami.

"Nanood din ako ng documentaries para medyo may ideas din ako about sa World War ll. Nagpakuwento rin ako kung ano ba 'yung nangyari doon, 'yung mga naka abot no'ng World War ll, at saka nagkaroon rin kami ng chance na mainterview 'yung mga comfort women. So grabe, nakakaiyak. Excited ako gawin actually yung part na 'yon.”

TINGNAN: Ang mga unang larawan ng Pulang Araw actors:

Bagamat hindi biro ang mga magiging eksena ni Sanya bilang isang comfort woman, excited na siya na maging representasyon ng mga kababaihan sa serye.

Aniya, “'Yon 'yung pinakanae-excite ako kasi yon yung pinaka isa pang challenging talaga sa akin, paano ko maipaparamdam 'yung character ko, 'yung mga pinagdaanan ng mga comfort women. Hindi dahil gusto ko iparamdam sa inyo, kung hindi para mas maintindihan natin sila, mas maunawaan natin sila at mas irespeto natin 'yung mga kababaihan.

“Isa pa sa mga nagustuhan ko dito, 'yung binabasa ko pa lang 'yung story niya, 'yung gusto kong maintindihan ng mga generation natin ngayon kung gaano kahalaga 'yung pagrespeto natin sa kababaihan, hindi lang sa kababaihan kung 'di sa lahat.”

Hiling ni Sanya na sana ay mapanood din ng mga susunod na henerasyon ang magandang kuwento at aral na hatid ng serye.

“Kasi napakaganda ng story and kung paano natin kumbaga parang sana makaabot pa ito sa mga susunod na henerasyon 'yung kwento na 'to kasi mahalaga rin na matutunan at maintindihan rin ng mga susunod na henerasyon ito e,” ani Sanya.

Kasama ni Sanya sa serye ang kapwa Kapuso stars na sina Barbie Forteza, David Licauco, at Alden Richards. Mapapanood din dito si Dennis Trillo sa kaniyang natatanging pagganap.

Unang mapapanood ang Pulang Araw sa Netflix sa July 26, tatlong araw bago ito ipalabas sa GMA Prime sa July 29.