
Ikinumpara ni Sanya Lopez ang nangyari sa pagtanggap niya ng award kamakailan sa isang eksena sa First Lady, kung saan siya ay gumanap bilang si Melody.
Sa ginanap na 44th Catholic Mass Media Awards nitong Miyerkules, November 23, tinanggap ni Sanya ang special citation para sa First Lady.
PHOTO SOURCE: @sanyalopez
Habang patungo ang Kapuso star sa stage, nasira ang kanyang sapatos. Sa tulong ng ushers, ipinagpatuloy ni Sanya ang pag-akyat sa stage habang natatawa sa hindi inaasahang pangyayari.
Kuwento ni Sanya sa kanyang Instagram post, "I didn't expect na same scene sa First Lady ay mauulit ulit sa pagtanggap ko ng award sa Catholic Mass Media Award."
Saad pa ng aktres ay baka raw isa itong sign.
"It could be sign of something that I should be thankful for dahil sa mga blessings that I'm receiving."
Samantala, nagpasalamat si Sanya sa kanilang natanggap na award.
Ani Sanya, "Thank you CMMA I'm so grateful for the award. Maraming maraming salamat po. In behalf of the cast and production of First Lady we are deeply honored."
Congratulations!
BALIKAN ANG ILANG SPARKLING HIGHLIGHTS SA CAREER NI SANYA: