GMA Logo Sanya Lopez fierce photos
What's Hot

Sanya Lopez wows netizens with fierce photos

By Aimee Anoc
Published July 19, 2021 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez fierce photos


This talented woman is absolutely stunning!

Muling sinorpresa ni dating First Yaya star Sanya Lopez ang netizen sa kanyang nakabibighaning ganda sa ibinahaging Instagram photos kahapon, July 18.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Tulad ng caption ng aktres na "heart at fire emojis," nagbabaga rin ang kanyang look sa suot na pink at orange dress mula sa MC Couture.

Kuha ang mga larawan ni Andrea Beldua kung saan ay ibinahagi rin niya sa Instagram ang iba pang photos ni Sanya.

A post shared by Andrea Beldua (@andreabeldua)

"Category is: 90s Sports Illustrated Supermodel x Zendaya Eleganza," caption ni Andrea.

"First [shoot] with @sanyalopez and she is STUNNING!" dagdag pa nito.

Obra naman nina Darwin Sinel at JR Constantino ang hair at makeup ni Sanya. Nariyan din ang magaling nitong stylist na si Kenneth Ramil.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 105,000 likes at 700 comments ang post ni Sanya.

Hindi naman nagpahuli sa pagbigay ng suporta ang First Yaya co-stars ni Sanya na sina Cassy Legaspi, Thou Reyes, Thia Thomalla at Kakai Bautista.

"Ang initttt po opo," pagbabahagi ni @kylee_dawn30.

"Grabe ang ganda mo ate sanya!!!" dagdag naman ni @janellepenales.

"Ganda naman... kasali ba cia sa miss universe philippines," biro ni @rosaliepuyat.

"Ganda mo talaga yaya melody," sabi pa ni @chellzie_2009.

Samantala, una nang sinorpresa ni Sanya ang lahat sa kanyang "jaw-dropping beach body" sa bikini scene ng First Yaya kung saan ay nag-trending ang video sa social media.