What's Hot

Sarap Wars sa Kapuso Mo, Jessica Soho

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 3, 2020 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga nasawi sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, umabot na sa 37, ayon sa OCD
Schools extend condolences after the passing of Rene Clert Baterbonia and Divine Adili
Michael Sager goes back to his home away from home

Article Inside Page


Showbiz News



Tumutok at alamin kung sino ang mangunguna sa bawat kategorya ng Kapuso Mo, Jessica Soho Food Battle Special.


Bawat produkto o pagkain, sinasabi at pinagmamalaking sila raw ang pinakamasarap.  Wala raw makakatalo sa kanilang lasa.  Pero sino nga ba talaga ang maituturing na pinaka-unbeatable ang sarap? Para magkaalaaman na, sa isang espesyal na pagtatanghal ng Kapuso Mo, Jessica Soho, paglalaban-labanin natin ang ilan sa kanila sa kapana-panabik at maaksyong food battle!
 
Kaninong tapsilog kaya ang pinakamagtutulak sa ating gumising kada umaga? Ang Rodics, Tapsi ni Vivian o Maty's? Ang mga matutunog sa pagtatapa… magtatapatan na!
 
Kapag ang tatlo sa pinakasikat na litsong manok magsasabong sa pasarapan, ang Andok’s, Baliwag, at Chooks to Go, kanino ka pupusta?
 
Anong kakaning Pilipino naman kaya ang papasa sa panlasa ng mga dayuhan at pwedeng kumatawan sa Pilipinas bilang Pinoy panghimagas sa international cuisine? Ito nga ba ang Sapin-sapin ng Malabon, ang espesyal na suman sa Pasig o ang Tibok-tibok ng Pampanga?
 
Sa Iloilo naman, walang gustong lumaban sa Netong’s sa pasarapan ng La Paz Batchoy. Kaya, nag-import pa kami ng isang batikan chef para subukang higitan ang institusyon ng La Paz Batchoy ng mga Ilonggo!
 
Pagkatapos ng lahat ng pambara, panulak naman! Alamin kung ano sa lambanog ng Quezon, tapuy ng Nueva Ecija  at basi ng Pangasinan ang alak na talagang magbibigay ng kakaibang sipa at lakas tama!
 
If you can’t beat them, eat with them! Makuha kayong lahat sa tikim at wag na wag mawawala sa Sarap Wars, Kapuso Mo, Jessica Soho Food Battle Special, ngayong Linggo na 7:45 p.m. sa GMA 7.